Chapter 20: "Solved and Saved"

949 39 6
                                    


Naglalakad sa may hardin ng Great Britines Palace ang magpinsan na si Kyler at Euginie. Ang kaninang mga royal maid at guardian na nakasunod sa kanila kanina ay nawala na sa kanilang likuran sapagkat inutos sa kanina ni Euginie na huwag nang suunod dahil nais nilang makapag-usap ni Kyler ng pribado.


"Prince Kyler, pinatawag kita sapagkat may nais akong sabihin sa iyo," wika ni Euginie.


"Ano iyon?" tanong ni Kyler.


Tumigil sa paglalakad si Euginie, gayun din si Kyler at tumanaw sa malayo ang prinsesa. "Nakausap ko ang aking ama tungkol sa pagnanais kong mabawi ang aking posisyon." Tumingin siya kay Kyler. "Binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon ngunit kailangan kong makuha ang pagsang-ayon ng labing limang ministro."


"Labing limang ministro?!? Hindi ba masyadong marami yan? At paano mo iyon magagawa kung ang ministro na nasa panig mo ay lilima lamang at sa limang iyon kabilang na ako."


"Yun nga ang problema ko kaya Kyler, tulungan mo ako na mahikayat sila na sumang-ayon na maging crown princess ulit ako."


Sa labas naman ng palasyo, sa may Residential Community, may isang puting bahay ang nakatayo at sa loob ng isa sa mga silid nito ay may dalawang kalalakihan na nag-uusap. Ang isa nagtatabako't nakaharap sa bintana; ang isa naman naka-upo sa single sofa't nakade-kwatro habang pinaglalaruan ang isang baso na may lamang alak at yelo.


"Young master, nabalitaan mo na po ba ang dahilan ng pakikipag-usap ni Princess Euginie kay King Frederick?" tanong ng nagtatabako.


"Hindi pa."


Nilagay ng lalaking nagtatabako ang kanyang tabako sa ash tray tapos naupo sa single sofa kung saan katapat ang inuupuan ng kanyang young master. "May nakapagsabi po sa akin na kinausap ni Princess Euginie ang hari tungkol sa pagbawi niya sa dati niyang posisyon."


Uminom ang young master ng alak. "Tapos?"


"Binigyan po siya ng hari ng pagkakataon ngunit may kondisyon. Kailangan niyang makakuha ng labing limang boto mula sa mga ministro. Boto na sumasang-ayon kami na ibalik ang kanyang dating posisyon."


"Ganun ba? Pwes, Minister Stuart,  gawan mo ng paraan para hindi maibalik sa kanya ang trono."


Medyo nagulat si Minister Stuart sa naging pahayag ng kanyang young master. "Bakit hindi po natin siya tutulungan?" nalilito niyang tanong.


"Bakit? Dahil delikado. Kilala ang prinsesa sa paggawa ng magaganda at epektibong istratehiya sa pakiki-digma, mapa-opensa o depensa man. Dahil sa abilidad na iyon, mas lalo tayong mahihirapan na kalabanin ang royal family. Kung di niya mababawi ang pwesto maaari siyang mapaalis dito at mawalan ng karapatan. Mas lalong mapapadali ang lahat sa atin."


"Hindi po ba mas mapapadali kung papatayin natin silang lahat?"


Kumuha ang young master ng chewing gum sa kanyang bulsa, binalatan, sinubo atsaka ninguya. Pinalobo pa niya ito tapos ay pinaputok at muling nginuya. "Gusto ko kapag naging hari ako, buhay silang lahat at maging alipin ko. Kaya sundin mo ang pinag-uutos ko."

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now