Chapter 19: "The Locked Room Murder Case"

1.1K 43 2
                                    


"Alam mo nakapag-usap na kami ni Zealian kanina at sa pag-uusap namin nadurog ang puso ko lalo na nang sinabi niya sa akin na paasa ako at pakiramdam niya binasura ko siya. Gustong gusto ko na ngang sabihin sa kanya ang dahilan para magkaayos na kami kaso di ko magawa dahil baka isipin niya na masamang tao ang aking ama. Sa tingin mo ganun klaseng tao ba ako? Ako ba yung tipo ng tao na paasa at nangbabasura? Hindi naman di ba?"


"Moooooooooo..." sagot ang bakang pinapakain niya ng damo.


Binigyan ng sariling kahulugan ni Xavier ang sagot na iyon. "Kaya mahal na mahal kita eh baby moo moo," saad niya habang hinihimas ng kaliwang kamay niya ang ulo ng baka at ang kanan naman may hawak na damo. "Pero siyempre mas mahal ko ang aking Zealian." Nagbuntong hininga ang binata. 


Nagtungo si Xavier sa Agricultural Land pagkatapos nilang mag-usap ni Zealian upang sa kanyang mga alagang baka ilabas lahat ng sakit na nararamdaman. Habang sa palasyo naman ng Great Britines ay patuloy siyang hinahanap.


Nalungkot ang kanyang mukha. "Pero...Baby moo moo, may kasintahan na siya dapat na ba akong sumuko? Dapat ko na bang tanggapin ang kapalaran namin?"


Umiling ang baka habang ngumunguya ng damo na tila ba naiintindihan ang sinasabi ni Xavier.


Nguminiti si Xavier at nabigyan siya ng baka ng pag-asa at lakas ng loob. "Tama, hindi dapat ako sumuko at ayaw ko rin naman masayang ang paghihintay ko sa kanya at pagtitiis sa piling ni bratty angel na walang ibang ginawa kung di magdrama. Isa pa, magkasintahan pa lang naman sila, hindi pa mag-asawa kaya may pag-asa pa ako. Tama ba?"


"Mooooooooo..."


Niyakap ni Xavier ang baka dahil sa sobrang tuwa. "Napaka-supportive mo sana ikaw na lang tatay ko."


Nabahing si Zealian tapos suminghot. "Kailangan kong mag-concenrate sa imbestigasyon na ito." Ni-relax niya ang kanyang pag-iisip. "Okay." Naupo siya sa couch at ipipikit pa lang niya ang kanyang mga mata nang may pumitik sa kanyang noo. "Awwww!" nakakunot noong reaksyon niya. "Guardian angel kanina ka pa po," medyo inis niyang wika.


"Huwag mong ipipikit yang mga mata mo."


"Bakit? Masama po bang ipikit ang mata para makapag-isip ng maayos?"


"Sa kakayahan mo? Oo, masama baka kasi gamitin mo yang retrocognition mo."


"May isa po akong salita," nakangusong saad ni Zealian habang salubong ang kilay.


Naupo si Auriel sa tabi ni Zealian at binago niya ang usapan. "Kamusta ang pag-iimbestiga mo?"


"Ayun na nga po, sisimulan ko na po dapat ayusin sa isipan ko kaso bigla mo pong pinitik ang noo ko kaya ayun, nagulo na naman."


"Sinisisi mo ako ngayon?"


Umiling si Zealian.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now