Chapter 6: "Delusion vs. Reality"

1.6K 57 9
                                    


"Dalawang lalaki natagpuan na walang buhay sa magubat na bahagi ng Agricultural Land sa siyudad ng Edictumius at kapwa tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan at ulo. Narito ang ulat ni Dash Moore," salita ng news anchor. "Dash Moore?"

"Nakaamoy ng masangsang na amoy ang isang residente ng Agricultural Land habang siya ay nangangahoy sa magubat na bahagi nito. Ito ang aking naging pahayag sa residenteng nakakita sa mga biktima," pahayag ni Dash Moore.

Pagkatapos magsalita pinakita sa telebisyon ang panayam sa residente ngunit ang mukha ay natatakpan ng halaman sapagkat ayaw niyang makita sa telebisyon. Para na rin ito sa kanyang kaligtasan.

"Naglalakad po ako sa gawing iyon." Tinuro ng residente ang gawing kanan niya. "Habang namumulot ako ng panggatong, nakaamoy ho ako ng isang masangsang na amoy na naging dahilan upang ipang takip ko sa aking ilong ang bupanda na nakapulupot sa aking leeg. Hinanap ko po ang masangsang na amoy at nang matagpuan ko agad kong hinukay ang lupa na natatabunan ng niyebe sa pamamagitan lang ng isa sa mga kahoy na napulot ko. Di pa ho malalim ang hukay may nakita na po akong kamay. Doon po nagsimula ang aking pagkataranta't takot," pahayag ng residente.  "Ngunit kalaunan tumawag na po ako sa kapulisan upang ireport ang nakita ko."

Ipinakita sa telebisyon kung saan nakita ang dalawang bangkay ng biktima. Ito ay may malupa na may kasamang putik. Sa paligid naman ay puno ng niyebe, mahalaman, mabato at mapuno. Sa paligid ng pinangyarihan ng krimen ay may barricade tape upang walang sibilyan o hindi awtorisadong tao na makapasok sa crime scene.

"Ang dalawang biktima na nahukay sa magubat na bahagi ng Agricultural Land ay kinilala ng mga awtoridad na sina Artus Delray, tatlongpu't isang taong gulang, isang cargo truck driver ng isang kumpanya; at Advent Roch na may gulang na dalawampu't anim, hinihinala na ito ay pahinante ng isa pang biktima dahil sa magkaparehong company i.d. Ang dalawa ay kapwa tadtad ng tama ng baril sa katawan at sa ulo—"


Nilipat na ni Zealian sa ibang channel sapagkat hindi na niya gusto ang balita at ayaw na niyang panoorin iyon. "Puro na lang krimen nakakainis na. Wala bang balak ang lord mayor ng siyudad na ito na solusyunan ang problema?" inis na tanong niya sa katabi niyang si Carisse.


"Ay naku Zealian, ang lord mayor ngayon, sinasabi niya sa mamamayan na huwag mangamba dahil nagpakalat na siya ng kapulisan sa buong siyudad lalo na sa Agricultural Land pero wala naman nagbago," salita ni Carisse. "Ganun pa rin talamak pa rin ang krimenalidad at marami na rin dito ang malakas ang loob na labagin ang mga ordinansa ng siyudad."


Napailing na lang si Zealian at puno siya ng pagkadismaya at inis sa lord mayor sapagkat sinayang nito ang lahat ng magagandang ginawa ng kanyang ama para sa siyudad. Tumagilid siya ng upo upang makaharap si Carisse. "Carisse."


"Oh?"


"Dahil sa sisimulan ko na ang pag-iimbestiga sa kaso ko, gusto ko na isabay na ang pagbibigay ng katahimikan dito sa siyudad."


"Ibig mong sabihin—"


Tumango si Zealian. "Tayo ang huhuli sa mga kriminal na yan. Tayo ang magbibigay ng kapayapaan dito." Dahil sa nadala na siya sa kanyang sinasabi tumayo siya sa ibabaw ng couch. Nagpamewang siya habang ang kanyang tingin ay napakalayo.nakapamewang at habang nagsasalita ang kanyang tingin ay napakalayo. "Tayo ang magbibigay ng hustisya!" Tinaas niya ang isang kamay habang nakasara ang kamao. "Kapayapaan! Karapatan! At hustisya para sa Edictumius City!"

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now