Chapter 25: "In the Name of Love"

2.9K 71 5
                                    


Pagkatapos halikan ni Zealian si Xavier nagkaroon ng ilang minutong katahimikan at hindi sila makatingin sa isa't isa dahil sa hiya. Kaya ang dalawa ngayon ay magkatalikod.


"Z-Zealian?" nahihiyang tawag ni Xavier. Nakatingin siya sa kanyang mga daliri na nilalaro-laro niya.


"Oh?" sagot naman ni Zealian. Kumakain ng sandwich.


"Yung ano...Yung halik mo para saan yun?" kinakabahan na tanong ni Xavier.


Kinapalan na ni Zealian ang kanyang mukha. Nilapag niya ang kinakain na sandwich sa may center table tapos hinarap niya si Xavier na nakatalikod pa rin sa kanya dahil napagtanto niya kung ganung klase ang paraan ng usapan nila walang mangyayari at para maipaliwanag ng maayos kung para saan ang halik na iyon.


"Nangako ako sa sarili ko na ang unang halik ko ay ibibigay ko sa taong mahal ko at ang taong iyon ay ikaw."


Natuwa si Xavier sa kanyang narinig at nakalimutan niya ang kasunduan nila ng kanyang ama. Humarap siya kay Zealian. "So ang lumalabas mahal kita mahal mo ako, tayo na? Ganun?"


Ang sinabi ni Zealian dati sa kanyang sarili na kung ligawan siya ni Xavier ay agad niya itong sasagutin ay biglang nagbago. Ayaw niya kasing isipin nito na patay na patay siya dito. "Hindi ah! Hindi ako easy to get na tao at ang kagandahan ko ay pang hard to get na level." Muli siyang tumingin sa ibang direksyon. "Dapat paghirapan mong makuha ang maganda at matamis kong oo, dapat...Dapat ano—"


"Ano? Ligawan kita?" dugtong ni Xavier ngunit di siurado sa sinabi. "Kung yun ang gusto mo gagawin ko pero bago ang lahat kailangan ko ng pagsang-ayon mula sa lord mayor."


Hindi na binanggit ni Xavier na nakausap na niya si Lewis tungkol sa panliligaw. Iniisip niya kasi ang mararamdaman ni Zealian kapag nalaman nito na hindi pumayag ang kanyang ama at baka mauwi sa pagtatalo.


"Paano kung di pumayag daddy ko? Paano kung matagal bago kita sagutin anong gagawin mo?" tanong ni Zealian.


"Kukumbinsihin ko siya ng kukumbinsihin, kukulitin ko ng kukulitin hanggang sa pumayag siya at kung sakali na abutin ng ilang taon para makuha ko ang oo mo ayos lang sa akin, di naman ako mainipin."


Sa pag-uusap at pagbubukas ng dalawa sa totoo nilang nararamdaman para sa isa't isa hindi na sila nahiyang ilabas iyon at naging mas komportable na silang dalawa sa pagkilos at pagsasalita.


Pinisil ni Zealian ang pisngi ni Xavier. "Kaya mahal na mahal kita eh," nakangiti at kinikilig na sabi niya.


Si Xavier naman namula ang tenga kaya medyo natawa si Zealian.


"Ako rin mahal na mahal kita kaya sagutin mo na ako doon din naman bagsak nun," wika ni Xavier habang nakahawak sa pisngi na pinisil ni Zealian.


"Kumain na nga tayo," natatawang sabi Zealian tapos kinuha ang kanyang sandwich sa may center table. "Oo nga pala, sabi sa akin ni Terrence titigil ka na sa pag-iimbestiga sa kaso ni Kyuketsuki?" pagbabago niya sa usapan. Kinuha niya ang isang sandwich tapos binigay kay Xavier.

Kyuketsuki by IamLycheWhere stories live. Discover now