1st

21.7K 362 25
                                    

Ang Simula

Phew! Spell haggard! A-K-O! Ako na yun e, nagkatawang tao na ang salitang yan sa akin. Pagod na pagod ako. Grabe naman kasi si Boss Ben hindi sya nainform na marunong din akong mapagod, tao ako at hindi robot. Imagine that, ang daming customer ng maliit na restaurant na pagmamay-ari nya pero ako lang ang waitress. Solo flight. Pakyaw ko lahat ang trabaho. Konti na lang talaga magrereklamo na ko sa DOLE.

"Una na ko, Boss!"

Hinintay kong lingunin ako ni Boss pero hindi man lang sya nag-effort na tapunan ako ng tingin kahit sandali. Wala man lang akong take care, Kim!

Hapong-hapo akong lumakad pauwi. Hindi na siguro ako makakain ng hapunan nito-- wait. Ansabe Ko? Hapunan? Ano nga palang ihahapunan ko? Wala nga pala akong stocks ng pagkain sa apartment kahit may energy pa kong kumain wala din akong kakainin. Ang saklap ng buhay. Ano pa nga ba edi dating gawi, itulog ang gutom, bes.

Malapit na ako sa apartment na tinutuluyan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakalabas ang mga gamit ko.

(O_O)

HO-HEM-JE!

BAKIT!?

Hindi naman siguro ako winewelcome home ng mga gamit ko 'no.

Hindi kaya, ini-evict ako ni Aling Pasing sa unit nya?

Kababayad ko lang ng upa nung isang araw, why is this happening!

"Aling Pasing bakit po nakalabas yung mga gamit ko." tanong ko sa matandang may-ari ng unit na inuupahan ko.

Syempre dapat magtanong muna bago mag-assume baka hindi naman pala ako pinapalayas. Baka nagmagandang loob lang si Aling Pasing na linisin yung unit ko diba. So chill lang, Kim. Chill lang. Wooo.

"Naku Kimberly pasensya ka na pero kasi kailangan mo ng umalis." wika nya habang inilalabas pa ang ilang gamit ko.

UMALIS?

"Aling Pasing talaga parang joke. Nagbigay na po ako ng bayad sa renta kahapon diba. Hala sya, nakalimutan, natanda na talaga." pahayag ko habang nakasunod sa kanya.

Tumigil sya sa paglalakad at may kung anong kinapa sa maliit na bag na nakasukbit sa kanyang balikat.

Lumayo ako ng konti sa takot na baka tungkod nya yung hinuhugot nya sa bag nya. Mahampas pa ko dahil sa nasabi ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng may inilabas syang sobre mula doon at hindi tungkod.

"Oh yan na ang perang ibinayad mo."

"Manang naman. Saan naman po ako tutuloy nito kung biglaan itong pagpapaalis nyo sa akin?" mangiyak-ngiyak kong sabi.

Hindi ata nakatulong yung pagbibiro ko kanina kay Aling Pasing, ayaw nyang paawat sa pagpapaalis sakin. Huhu

"H'wag kang mag-alala siya na ang bahala sa'yo." turo nya sa pinto kung saan may lalaking nakatayo na naka three peace suit.

Luh!

Ang gara. San punta?

Businessman ba sya. Bebentahan nya ba ako ng mga detergent, beauty products, dictionary? Aanhin ko naman yun?

Naestatwa ako ng magsalubong ang aming mga mata pero nag-iwas agad ako ng tingin.

"Manang hindi naman po nya ako matutulungan e." baling ko kay Manang na sige sa paglabas sa mga gakit ko.

Training the Next HeirWhere stories live. Discover now