Two Hours More - Fourteen - Hiro's Dad

26.7K 140 22
                                    

Jam’s Point of View

I’m not going to question You for this. I know You know what’s best for us. All I pray is for You to bless his Dad for this trial and to help me overcome this. Because Lord, thinking that Hiro’s not going to be with me anymore brings me to tears. I don’t think I can do this.

Nagsimulang magsalita si Tito Harry para sa necrological service...

“Noong araw na ooperahan si Hiro, napakatahimik lang n’ya. Tatango lang s’ya o iiling kapag may tinatanong ka. Bago s’ya operahan, kinausap n’ya ako. Marahang tumutulo ang mga luha n’ya. Hinawakan n’ya ang mga kamay ko.

‘Dad natatakot po ako’, sabi n’ya. Sa loob-loob ko, halos panghinaan na rin ako pero kailangan kong magmukhang matapang para sa kanya.

‘Anak, trust Him. You’ll be fine.’

Pero sabi n’ya, ‘Dad, ayokong iwan ka’, umiiyak s’ya na parang bata. ‘Ayokong iwan si Jam.’

‘Anak, ano ka ba? ‘Wag kang mag salita ng ganyan.’

‘What if this fails, Dad?’

‘No it won’t.’ I was trying to keep my strength with me. Dahil kung pinanghihinaan na s’ya ng loob at ipapakita ko pa na parehas din ang nararamdaman ko, baka lalo pa s’yang panghinaan at kalimutan na ang lumaban.

‘Dad, I love you. Mahal na mahal po kita.’ Halos mabasag ang puso ko sa narinig ko sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang lumuha. Napaiyak na rin ako parang bata. Niyakap ko s’ya ng mahigpit.

‘I love you too, Hiro, son. Mahal na mahal din kita.’

‘Dad, gusto ko hawak mo lang ang kamay ko ha. Sa tabi lang kita, please? ‘Wag na ‘wag mo kong bibitawan kahit anong mangyari. Para hindi ako manghina.’

Kaya hawak-hawak ko ang kamay ni Hiro noong inooperahan s’ya mula simula hanggang sa matapos ito. Isa sa mga pinakatatakutan ko noong panahon na iyon ay ang mawalan ng buhay ang kamay na hawak-hawak ko. Awa ng ‘diyos, hindi naman ito nangyari.

Noong araw na kinuha na ng Panginoon ang anak ko, sumaglit ako sa bilihan ng paborito n’yang pagkain. Dalawang oras ang layo ng bilihan ng pagkaing gusto n’ya, pero binili ko pa rin dahil ‘yon ang request n’ya. Pero labis ko itong pinagsisihan dahil pagbalik ko, wala na pala s’ya. Wala na palang kakain ng pagkaing pinabili n’ya. Kung alam ko lang, doon na lang sana ako sa tabi n’ya. Hinding hindi ko bibitawan ang kamay n’ya. Hinding hindi. Pero huli na ang lahat.

Anak, mami-miss ka ni Daddy. Sa totoo lang, sobrang nanghihina na si Daddy kasi wala ka na ngayon sa tabi ko. Hiro, anak, hawakan mo naman ang mga kamay ko para hindi na ko manghina.

Mahal na mahal kita, Hiro. Hanggang sa muli nating magkikita.”

Walang matang hindi umiiyak sa pakikinig kay Tito. Nanghihinayang ang lahat sa pagkawala ni Hiro. 

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon