Two Hours More - Four

39.1K 192 28
                                    

This is dedicated to my lovely and super wonderful sis, thesoullessvampire. Super thank you sa never-ending support. Haha. And for being a good friend. For being true. Basta sa lahat. Hihi. Why am I so dramatic the past few days? Haha. Basta, I'm having a lot of happy times talking to you. I love you sis. ♥

Hiro's POV

 Buong maghapon kong hindi nakausap si Jam dahil sa trabaho ko. Ngayong gabi na lang sana ako makakabawi kaya tinawagan ko s’ya kaagad pagkauwi ko. Hindi n’ya naman sinasagot. Ang dami ko ng texts sa kanya, pero kahit isang reply wala. Nababaliw na ko sa pag-aalala. Pagod na ko dahil sa daming trabaho sa ospital pero hindi ako makatulog kasi nag-aalala ako. Nakakabaliw ‘to.

 Kaya kahit ayaw n’ya ng tinatawagan ko s’ya ng late, tinawagan ko pa rin s’ya. Hindi kasi talaga ko mapapalagay pag hindi ko man lang malalamang okay lang pala s’ya. Nang sinagot n’ya ‘yong tawag para bang bigla na lang akong sumabog dahil sa magkahalong relief at saya. Dire-diretso na ‘yong mga tanong ko sa kanya malaman ko lang kung ano bang lagay n’ya. Para ‘kong sira.

 Nakahinga naman ako ng maluwag nang nalaman kong ayos lang pala s’ya lalo na no’ng narinig ko ‘yong mahina n’yang pagtawa.

 Hindi ko nga lang napigilang magselos at malungkot nang nalaman ko kung sinong kasama n’ya, nasaan s’ya at anong ginagawa nila.

 Nagselos ako bigla. Naiintindihan ko namang mag-best friend sila ni Miguel pero sa tuwing nasasali ‘yong taong ‘yon sa usapan, nagseselos talaga ‘ko. Nagseselos ako kasi gusto ko, ako na lang sana ‘yong nakakakausap sa kanya kahit ano pang oras na gustuhin ko, puntahan s’ya sa bahay nila, lumabas kahit gabi, at kung anu-anopang bagay na nagagawa ni Miguel na hindi ko magawa. Nagseselos ako, oo. Pero palagay ko, mas bagay kung sasabihin kong naiinggit ako.

Lumalim na rin ang gabi noon. Pagod na talaga ko. Pero hindi ako makatulog. Pano naman kasi ako makakatulog kung ‘yong babaeng mahal na mahal mo, may kasamang ibang lalaki ngayon sa isang lugar na malayo mula sa kung nasaan ka, tapos sila lang dalawa? Sila lang dalawa? Alam kong bestfriend n’ya si Miguel at hindi s’ya gagawan ng kahit anong masama, pero sila lang dalawa don!

 Paano na lang kung sapian bigla ng masamang ispirito ‘yong lalaking ‘yon at bigla na lang kung anong gawin kay Jam? Malaking tao pa naman ‘yon, hindi makakalaban si Jam pag nagkataon. At pano kung bigla na lang lasingin ni Miguel si Jam tapos biglang --- ano ba?! Ano ba tong iniisip ko? Hindi naman siguro. Sumasakit tuloy ulo ko kakaisip. Hindi talaga ‘ko mapakali.

Idagdag pa tong balitang nalaman ko lang kanina. Mas lalo ng sumakit ang ulo ko. Magiging maayos naman siguro ang lahat, sa palagay ko.

Gusto ko ng kausap. Sa mga oras na ‘to, sigurado akong tulog na si Niko pero tinawagan ko pa rin s’ya. Gusto ko ng makakausap, malapit lang naman mga tirahan namin sa isa't isa. Galit pa nga dahil nagising ko daw s’ya, pero wala pang kalahating oras, nariyan na at kumakatok na sa pinto ko.

 "Bro, magtigil ka nga. Nagpapanic ka ata? Matino naman ‘yong si Miguel a."

 "Sige nga, imaginine mo nga ‘yong girlfriend mo kasama ng ibang lalaki sa ganitong oras ng gabi? Tapos sila lang dalawa."

"Oy, oy!!"

"Ayun na nga e."

"Pero bestfriend n’ya kaya ‘yon bro. Relax. Teka, ano nga palang balita?"

 "Saan?" Napakunot ang noo ko habang nagtatanong. Bigla bigla nalang iniba nitong si Niko ang usapan.

 "Anong balita? ‘Yong a-ano? Ano?"

 ”‘Yon ba? Negative ako."

 "Negative? Ibig sabihin wala? Ayos!"

 "Hindi." Napatigil s’ya ng sinabi ko to. "Meron."

 "Ano??? Bro hindi totoo ‘yan ‘diba? ‘Wag ka ngang magloko ng ganyan!"

 Naging seryoso bigla ang usapan namin. Ito kasi ‘yong balitang nalaman ko kanina kaya lalo pang sumasakit ang ulo ko. Kaya ko rin s’ya tinawagan ay para sabihin to sa kanya. Sa kanya ko lang naman mapagkakatiwala tong ganitong bagay dahil s’ya ang best friend ko. Magkakambal na bawat ugat namin sa katawan. Sa susunod na araw, kay Dad naman. ‘Di ko pa rin alam kung pano to sasabihin sa kanya, sa totoo lang.

 "Paano si Jam? Sige nga. Akala ko ba hiintayin mo s’ya?"

 "Hindi ko rin alam bro…" Nakasubsob ang mukha ko sa mga palad ko.

 Hindi ko talaga alam. Ang alam ko lang, kaya ko s’yang hintayin, oo. Sigurado ako doon. Ang hiling ko lang, sana naman mahintay pa kami ng pagkakataon. Sana maging kami.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon