Two Hours More - Five

36.4K 173 20
                                    

Hiro’s POV

Sa pagsagot na ‘yon ni Jam, halatang-halata ko ang lungkot sa mga mata n’ya. Ayaw n’ya ba kong mawala, o umalis? Malulungkot s’ya kung wala na ko sa tabi n’ya? Ibig sabihin ba nito, importante na rin ako sa kanya? Hindi maiwasang ngumiti ng isip ko kung ganon nga, pero hindi ring maiwasang malungkot ng puso ko kung sadyang ganon na nga. Dahil, paano ko matitiis na malungkot s’ya?

“H-hindi! Ano ka ba? Hindi ko naman gustong tumira sa ibang bansa a, may nasabi na ba ko sa’yo kahit kelan tungkol do’n?”

Walang anu-ano, nagliwanag ang muka n’ya dahil sa sinabi ko. Tapos nasilayan ko na rin ‘yong ngiti sa labi n’ya. Ayaw n’ya nga kong mawala. Tumataba ang puso ko sa pag-iisip no’n.

“Bahala na kung pano natin mace-celebrate ‘yon. Depende siguro sa schedule ni Daddy.” Tapos tumawa s’ya pagkabanggit n’ya no’n. Dahil totoo naman. Depende naman talaga sa schedule ng Daddy n’ya kung makakapag-celebrate ba kami.

“Basta, ice-celebrate natin ‘yon. Lalo na ‘yong birthday mo, kahit ‘yon na lang. Nga pala Princess, ‘di ba debut mo ‘yong birthday mo last time? Bakit hindi ka ata nagpa-party?” Naisip ko na to noon, pero ngayon ko lang naalalang itanong sa kanya.

“‘Yon ba? Ayoko kasi ng mga ganong party e. Hindi ko na-eenjoy. Mas masaya ko sa simpleng celebration lang. Mas okay pa nga ‘yong ganon.”

“Sabagay… At least nakasama mo lahat ng gusto mong makasama nang araw na ‘yon. What a coincidence nga lang ano, lahat sila at a particular time of the day lang available, lahat hindi pwede ng gabi. Tingnan mo kasi, si Miguel kasama mo no’ng umaga. ‘Yong high school friends mo bago mag-lunch. Si Daddy mo no’ng lunch mismo. Tapos ‘yong girl best friends mo no’ng hapon. Mas masaya nga naman.”

“Tapos ikaw no’ng gabi… ‘Yon ang pinakamasaya talaga.”

Napatigil ako sa sinabi ni Jam. Naramdaman kong uminit rin ‘yong mukha ko. Palagay ko namula ako dahil do’n. Iba kasi ‘yong pagkakabanggit n’ya nun. Nakatitig talaga s’ya sa mata ko. ‘Yong mga mata n’ya na medyo kakaiba rin ‘yong ningning. Ramdam ko ‘yong bawat salita n’ya.

Napangiti na lang ako. Hindi ko magawang alisin ‘yong ngiti. Tinamaan ako sa sinabi n’ya. Matagal din kaming nagkatitigan pagkatapos nito. Wala atang gustong magsalita.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now