Two Hours More - Four

39.8K 189 29
                                    

Dahil hindi kami 'fan' ng isa't isa ni baka_usagi, hindi ko ito maide-dedicate sa kanya ng as in. Kaya kapatid, ito'y para sayo. Haha. Ewan ko kung mababasa mo pa to dahil nabasa mo na ito nung 2 araw bago ko to ilagay rito. Haha. Pero, thank you sa support!!

Jam's POV

Pinalipas ko muna ang mga araw. Inabot na ‘ko ng sembreak sa pagpapalipas ng araw. Kahit sino, maliban kay Reema, wala pang nakakaalam ng pagtatanong sa’kin ni Hiro. Mabuti ko kasing pinag-isipan ang mga bagay bagay. At nakapagdesisyon na ko.

Hinintay ko ang sa palagay ko ay tamang pagkakataon para sa akin. Saktong-sakto dahil kagagaling lang namin sa isang dinner ni Daddy. Sigurado akong nasa good mood s’ya. Pagkauwi namin ng bahay, dumiretso lang kami sa sari-sarili naming kwarto para magbihis na.

Hindi ako mapakali. Paikot-ikot ako sa kwarto ko. Kinakabahan ako at medyo nanginginig. Kakayanin ko kaya ‘to? 

Pikit-mata kong nilisan ang kwarto ko para puntahan si Daddy. Kaya ko ‘to!

Kapag ganitong oras, sigurado akong nasa study room n’ya si Dad. Kahit kinakabahan, pinuntahan ko s’ya doon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto matapos kong kumatok. Napatingin lang sa’kin si Daddy na nakaupo sa couch doon. Nakatingin lang din ako sa kanya habang dahan-dahang isinasara ang pinto. Napalunok ako ng laway.

''D-Dad?''

Itinaas n’ya ang mga kilay n’ya para sumagot.

''Yes, baby?''

Malalim ang bawat hininga ko. Kinakabahan talaga ‘ko. Sa sobrang kaba ko,napaluha na lang ako. Parang na-alarma naman si Daddy nang nakita n’ya kong umiiyak. Napatayo s’ya para siguro puntahan ako pero inunahan ko na s’ya at tumakbo papunta sa kanya at niyakap s’ya. Magsasalita na sana s’ya nang bigla akong nagsalita.

''Dad, hindi naman po magugulo ang studies ko e. Ako pa rin naman ang baby nyo. Dad please, pumayag sana kayo.'' sabi ko in between sobs.

Ang labo ko, wala man lang akong sinabi na magbibigay sa kanya ng kahit anong clue tungkol sa kung anong sinasabi ko. Pero alam ko namang naiintidihan n’ya ako. Si Daddy pa.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Daddy. Hoping for him to say 'yes'.

''Madison, you're only 18. Masyado ka pang bata. Kung makikipagrelasyon ka agad ngayon, magkakasakitan lang kayo. Makinig ka na lang kay Daddy, baby, please? Sige na. Magpahinga ka muna at mamaya, nand’yan na si Migs.''

I looked up to Dad. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko.

''Hindi ko naman po s’ya sasagutin agad, Dad. Mahihintay n’ya naman po ako.'' At malaki ang tiwala ko sa pangako na ‘yon ni Hiro.

''Madison, ‘wag ng matigas ang ulo.'' Halatang-halata kay Dad ang pagko-control n’ya ng temper. ''Pinipigilan ko lang hindi magalit ha. Tama na ang iyak,'' sabi n’ya sabay halik sa noo ko. Napapikit na lang ako sabay tulo muli ng luha ko. ''Umidlip ka muna saglit para ‘di ka masyado mapagod mamaya.''

Kung alam lang sana ni Dad, na sa pagkakataong ito, kahit umidlip lang, hindi ko na magagawa. 

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon