Two Hours More -Seven

32.7K 175 22
                                    

Time check: 04:12pm

Pagkatapos ng lunch, nagparty ulit kami. Ito na rin kasi ang summer outing namin dahil lahat kami busy kaya sinasamantala namin ang araw na ‘to. Pero natulog ulit sila ng bandang alas tres at heto ako, nagtatyagang magtitiis ng antok. Mula kasi nang nagising ako ay 18 hours na lang, matatapos na ang birthday ko. Pag natulog ako, malabong magkasama kami ni Hiro, kaya kahit gusto kong matulog, naggala-gala na lang ako sa beach. Baka kasi makita ko s’ya, alam n’ya naman kung nasan ako.

Halos 8 hours na lang, hindi ko na birthday. Hindi naman nagpaparamdam si Hiro, sa text man o sa tawag. Mukhang walang balak na puntahan ako. Kahit i-greet man lang ako, hindi n’ya din ginawa. Siguro busy. Siguro maya-maya pa s’ya magpaparamdam. Sabagay, malayo naman kasi talaga tong napiling beach ni Daddy. Baka nga din naman may duty pala s’ya ngayon. Siguro hindi na talaga kami magkakasama ngayon.

Tahimik akong nakaupo sa isang cottage rito. Walang masyadong tao sa beach kaya mas ayos na rin, sobrang tahimik talaga. Kaya sobrang laking gulat ko na lang talaga nang biglang may mga kamay mula sa likuran ko na tumakip sa mga mata ko. Pagdampi pa lang ng mga palad n’ya, alam ko na kung sino s’ya.

“Guess who.” Kahit pa ata tulog ako, itong boses na naririnig ko ay lagi kong makikilala.

Punong-puno ako ng s’ya nang lumingon sa taong nasa likod ko lang.

“Happy birthday Princess!” He said with his big smile. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Akala ko talaga hindi ko s’ya makakasama.

“Hiro!” Hinahaplos n’ya ang mga pisngi ko na basang-basa na ng mga luha ko. “Thank you.”

Hindi na katulad ng plano ni Hiro ang nangyari sa birthday ko. Hindi n’ya rin nagawa ang surprise n’ya. Pero wala namang kaso sa’kin ‘yon. Ang magkasama lang naman kami, sapat na sapat na. ‘Di na kailangan ng kung ano pang paraan ng pag-cecelebrate.

Niregaluhan n’ya rin ako ng hamster. Kapartner daw no’ng hamster na binigay ko sa kanya --- si Madison. Sabi n’ya ang pangalan daw no’n ay Hiro. Natatawa na lang ako, pero inaamin kong tuwang-tuwa naman ako. Kahit siguro sa ngayon, sa katauhan na muna ng mga hamsters namin kami magiging mag-partners. Sa susunod na kami siguro. Pero kalian kaya ‘yon? Konting tapang pa siguro para pilitin si Dad. Baka kulang lang s’ya sa pilit. Ewan ko.

Masaya naming ginala ang beach. Lahat ng stalls binisita namin. ‘Yong ibang kainan, kinainan namin. Nakipaglaro sa mga batang game makipagkulitan. Nangolekta ng sea shells. Nagsulat ng kung anu-ano sa buhangin. Nagkwentuhan, nagkulitan, nagtawanan. Hindi ko na nga ininda itong sakit ng binti ko sa kakalakad namin dahil mas gugustuhin ko pa to kesa hindi naman s’ya kasama. Bawat sandali na magkasama kami ay worth remembring. Pakiramdam ko gusto ko na lang tumigil ang oras. Kasi kapag nagpatuloy pa ‘to sa pagtakbo, hindi na ‘ko sigurado sa kung anong susunod na mangyayari. Gusto ko dito na lang ako sa ganitong klase ng sandali. Walang rules na sinusunod; walang Dad na inaalala. I want to be stuck here. I want to be stuck here with him.

“Baby, sabihin mo lang kung pagod ka na ha.” Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin s’ya pabalik. Basta’t ikaw ang kasama ko, hindi ako mapapagod. Tumango ako bilang sagot sa sinabi n’ya. Kahit sigurado naman ako na hindi ko man lang masasabi ‘yon sa kanya dahil hindi naman talaga ko mapapagod kung s’ya ang kasama.

“Akala ko talaga ‘di tayo magkikita ngayon.” Akala ko nga din e, pero nandito ka na. “Buti na lang pumayag sila.” Ang tinutukoy n’ya ay ang mga taga-hospital na pinagta-trabahuhan n’ya. Naka-duty nga pala talaga s’ya ngayon dapat. Pero buti na lang talaga pumayag sila. Buti na lang talaga.

Ang tagal naming magkasama hanggang sa palubog na ang araw. Habanag pinapanood namin ito, sabi n’ya humiling daw ako habang lumulubog ito dahil siguradong magkakatotoo daw ‘yon kaya ginawa ko. Ginawa rin naman n’ya. Sabay kaming pumikit.

Hiniling ko na sana magbago ang isip ni Daddy para maging pwede na kami ni Hiro. At isa pang hiniling ko, sana makasama ko s’ya sa pagtanda. Ang advance ng hiling ko, pero ‘yon naman ang totoo. Gusto ko s’ya na. S’ya kaya, ano kayang hiniling n’ya?

“Anong hiniling mo baby?”

“Secret. Baka hindi na matupad.” Hindi pwedeng sabihin kasi baka malaman mo. Nakakahiya. “Ikaw?”

“Secret din. Baka hindi na matupad e.”

“Birthday ko naman e, sabihin mo na. Please?”

“Ang daya mo.” Tumingin s’ya sa lumulubog na araw. Hindi naalis ang pagkakatingin ko sa kanya. Nakita ko s’yang nagbuntong hininga. “Humiling ako na sana pahabain pa n’ya ang buhay ko kasi gusto pa kitang makasama. Gusto kong tumanda kasama ka.”

Napangiti ako sa pag-iisip na parehas pala kami ng gustong mangyari sa mga buhay namin. Parehas pa pala kami ng hiniling. S’ya na talaga nag gusto kong makasama. At s’ya rin. Pag pumayag na talaga si Daddy, magiging maayos na ang lahat sa amin. Hindi na ‘ko makapaghintay.

Hindi na namin napansin na malayo-layo na rin pala ang inabot namin sa kakalakad sa dalampasigan. Dumidilim na kaya bumalik na kami sa cottage kung san n’ya ko nakita kanina.

Tahimik kaming naglalakad. Pag minsan ay sumusulyap-sulyap ako sa mala-anghel n’yang mukha, at ganun din naman s’ya sa’kin.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may dumampi sa kaliwang kamay ko. Napatingin ako sa kanya habang s’ya ay marahan ang pagkakahawak rito. Nakatingin lang din s’ya sa’kin at ngumiti.

Itong two hours na nagkasama kami ang isa na sa pinakamasayang two hours ng buhay ko, dahil kasama ko s’ya sa mismong araw ko.

I really want to be stuck here. Here in this moment with him.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon