Two Hours More - Nine - Day 32 - 53

29.1K 142 23
                                    

Nine


Jam’s POV

Day 32 Wednesday

Quote:

Good morning my beautiful princess. I love you everyday. :)))

That drew a smile on my face. That’s a good one to start my morning. I thank the Lord for giving me a wonderful prince. Gusto ko sanang sabihing ‘I love you too everyday, Hiro!’ kaso hindi ko talaga kaya kahit isang buwan na kong nag-iipon ng lakas ng loob.

“Good morning too, Hiro. Haha. :D Pano kapag gabi na?”

Napaka-corny ko. Alam ko ‘yon.

“E ‘di I love you pa rin. Every day, every night! Wala ba kong I love you too? :)”

“Ha? E? I…” Nilagyan ko ng maraming spaces ‘yong text ko hanggang masawa s’ya sa paghahanap ng dulo ng text ko, pero ang kadugsong, “I’m late for school. I’ll text you later. Bye!”

 Ang corny ko talaga.

Day 34 Friday

Magkasama ulit kami ngayon. Napapansin ko, parang ang lalim na ng mga mata ni Hiro. Nitong nakaraang araw, kapag kasama ko s’ya, parang laging nanghihina s’ya. May sakit kaya s’ya? Nurse naman s’ya kaya siguro naman alam n’ya kung paano aalagaan ang sarili n’ya. Sabi naman ni Migs, ‘wag daw akong mag-aalala. Siguro pagod lang sa trabaho. Siguro nga.

“Princess, kung bibigyan ka ng chance na magtanong sa’kin ng isa lang, kahit ano, ano ‘yon?”

Nagulat ako sa sinabi n’yang ‘yon. Bigla na lang s’yang nagtanong ng ganun. Pero, pinagbigyan ko na rin.

“Hindi ka ba nagsasawa sa’kin?” May kasama pang tawa ‘yong tanong ko. Kasi hindi ko talaga alam kung anong pwedeng itanong. Pinagbibigyan ko lang naman talaga s’ya.

“Ano namang tanong ‘yan?”

“E wala akong maisip e. Ikaw naman kasi.”

“Hmm.. Syempre hindi. Masayang masaya nga ko kasama ka. Mahal kita, mahal mo naman ako, and we’re fine, right?”

Napatingin lang ako sa kanya. Did I hear him right? Hindi ba ko nagkakamali? Pero nakatingin lang din s’ya sa’kin. Anong sasabihin ko?

“T-tinatanong mo ‘ko?”

Tahimik na lang kaming dalawa. Seryosong seryoso ‘yong itsura n’ya. Naghihintay ng sagot.

“’Di ba, princess?”

“T-tinatanong mo talaga ‘ko?”

Marahan lang s’yang tumango. Mas mahirap pa palang sabihin ‘yong ‘mahal kita’ kapag tinatanong ka na. Kung nasabi ko na sana to sa loob sana ng isang buwan noon e ‘di sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Mas mahirap pala kapag tinanong ‘yon sa mukha mo. Hindi ko alam. Hindi ko kaya. Sasabihin ko lang naman ‘diba? Hindi naman ibig sabihin no’n magiging kami ‘diba? Katulad ng ayaw ni Dad? Pero, natatakot ako. Hindi ko kaya.

“I’m sorry…” At tuluyan ng tumulo ang luha ko. Bakit ba napakaduwag ko? Naiinis ako sa sarili ko. Nilayo ko ang tingin ko sa kanya. Lumapit s’ya sa’kin para punasan ang mga luha ko.

“No, I’m sorry tinanong pa kita.”

Pero hindi na ko nakasagot.

“Tahan na Princess.” Pinapawi n’ya pa rin ang mga luha ko at nagsalita. “I can wait.”

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon