Two Hours More - Five

36.4K 161 22
                                    

Jam’s POV

Kainis! Ano na naman ba tong nasabi ko? Nakatitig lang ako sa mga mata n’ya habang sinasabi ‘yon with all my heart out. Then suddenly, I got lost with his smile. ‘Yong kakaiba n’yang ngiti na pilit n’ya pang tinatago. Namumula pa ‘yong maputi n’yang pisngi. Kung noon, napigil ko pang masabi ‘yong hindi ko dapat masabi, na dapat daw ay sabihin ko na sabi ni Migs, ngayon naman, nasabi ko na talaga dahil sa nadala na naman ako sa usapan namin. Nakatitig pa rin ako sa kanya. At s’ya naman, sa’kin. Kahit na aware na ko sa nangyayari, hindi ko pa rin maalis ‘yong pagkakatitig ko sa kanya. Ayaw makisama ng katawan ko.

“M-mas masaya k-kasi nanalo ako sa contest.” Kunwari’y kinuha ko ‘yong cellphone ko para may mapagbalingang iba ang mga mata ko. Tapos ngumiti. Sabay tumingin ulit kay Hiro. “N-naalala mo pa?” Sa wakas, nagpa-kontrol na din ang utak at katawan ko na kanina’y pinipigilang kumilos ng puso ko.

Nakangiti pa rin si Hiro. Marahan lang s’yang tumango.

“Oo naman!  Naaalala ko ‘yon. Ako nagpasali sa’yo dun e, malilimutan ko ba ‘yon?”

Ngumiti lang ako. Nai-compose na rin namin pareho ‘yong mga sarili namin matapos ang napaka-awkward na ilang minutong ‘yon. Balik na kami sa dati.

“Basta, sa birthday mo, magkasama tayo ha.” Dugtong n’ya sa huli n’yang nasabi kanina.

“Hiro, six months pa ‘yon from now no!”

“Exactly. Six months from now.”

“O? What’s with six months?”

“W-wala. Nirereserve ko na para wala na kong kaagaw.”

 “May reservation talaga? Patawa ka Hiro.”

Tinawanan ko na lang s’ya. Matapos ang ilang minuto, hinatid n’ya rin ako sa bahay. Maaga pa naman ang uwi namin. Uwi pa naman ng mga matitinong kabataan. Hindi ko rin naman gusto na abutin kami ng gabing-gabi. Kung si Migs, ayos lang, kaibigan ko lang naman kasi s’ya. Pero kung si Hiro, medyo iba pa rin, manliligaw ko s’ya e.

Manliligaw? Oo daw. Kine-claim n’ya na rin minsan ‘yon. Sabagay hindi naman talaga s’ya nagtanong kung pwede ba o hindi pwede na manligaw s’ya e. Ang sabi n’ya noong hapon na ‘yon sa sikreto at tagong garden ng school, manliligaw na s’ya, sana ayos lang. Tapos ang usapan para sa kanya. Gagawin n’ya ang gusto n’ya.

Actually, si Migs lahat ang nagsabi sa’kin n’yan. Sa kanilang mga lalaki, ‘yon na daw ‘yon. Sa totoo nga lang daw mula ng nagtapat na daw si Hiro, ‘yon na ‘yon. Pero siguro dahil raw sa pag-iisip na meron ako, na hindi mag-aassume ng kahit ano, kaya minabuti ni Hiro na sabihin na rin sa’kin ng harapan, para alam ko na daw. Naniwala na lang ako sa kanya.

Natulog akong may ngiti sa labi. Kapag ganitong wala si Daddy, pakiramdam ko, ang laya naming dalawa. Sobrang malaya. 

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon