Two Hours More - Twelve - Day 90

26.8K 123 20
                                    

Day 90 Thursday

Nang bandang hapon na ng araw na ito, nagkita kami ni Niko sa ice cream shop na kinakainan namin lagi ni Hiro mula simula pa. Tinext n’ya ako nitong umaga na magkita daw kami. May iaabot daw s’ya.

“Hi Jam.”

“Niko, kamusta?”

“Ayos lang naman ako. Ikaw. Ikaw ang kamusta?”

“Hmm… Medyo hindi ayos. Si Hiro kasi e. Kamusta na ba s’ya?”

Kibit-balikat ang isinagot n’ya sa’kin. “Mahigpit ang bilin e.”

“Alam mo, nagtataka na ko sa ‘mahigpit na bilin’ na ‘yan.” Sobra naman ata ‘yong itinatago na nila sa’kin. Pwede naman akong pagkatiwalaan kung anuman ‘yon. Lalo tuloy akong nag-aalala.

Minabuti n’yang kwentuhan na lang ako ng kung anu-ano. Mamaya na daw ‘yong ibibigay n’ya. Medyo naging close na rin naman kami dahil kay Hiro. Hanggang sa nagulat na lang ako sa isang sinabi n’ya.

“Naging escort pa ko ng bestfriend kong ‘yon no’ng isang beses na pumunta ‘yon sa inyo! Ayy.. Daldal ko.” Napahawak ang isang kamay n’ya sa bibig n’ya at halata sa mata n’ya ang mga salitang ‘ano ba ‘tong nasabi ko?’ Bakit ba ang dami atang nadudulas sa mga nakakausap ko?

“Anong sabi mo? Pumunta s’ya sa’min. Kailan? Anong nangyari?”

“Pano ba to, teka. Sabagay nadulas na rin naman ako… Tsaka okay lang din naman siguro kung malalaman mo.”

Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang sagot n’ya. “Sige na, ikwento mo na.”

“Dati kasi.. Alam ko, pumunta s’ya sa inyo no’ng… Tanda mo ‘yong unang pagtatapat sa’yo ni Hiro?” ‘Yong iniabot n’ya sa’kin ‘yong relo. Malilimutan ko ba naman ‘yon. “Ayon, pumunta s’ya sa inyo no’n makalipas ang ilang araw, pero, medyo naging masungit Daddy mo. Ay, hindi pala medyo. Pero hindi ‘yon ‘yong sinamahan ko s’ya noon. Kasi naulit ‘yon e. Dun ako sa pangalawa umeksena. Ayon, Jam. Nakakahiya na kinkwento ko sa’yo to, pero, okay lang naman siguro ‘yon kay Hiro.”

“Dalawang ulit na?”

“No! Marami. Hindi ko na rin bilang e. Medyo mga limang ulit mahigit, ganon.”

“Kung mahal ka n’yang talaga, sana man lang pumunta s’ya sa bahay nyo. Kahit isang beses lang, kahit baga lutuin pa s’ya ng buhay ni Papa. I mean, even just once, Jam? ‘di n’ya nagawa? Kung dumalawa pa, o tatlo, apat, ‘yon! Mahal ka talaga no’n. Pero Jam, kahit minsan, ano? Kung hindi pa kayo nahuli… Duwag s’ya, kamo. Why does he make your Dad an excuse?”

Hindi lang pala namin alam ni Migs pero ilang ulit n’ya na palang ginawa ‘yon para sa’kin? Napahanga ako lalo sa kanya dahil sa courage n’ya. Mahal n’ya talaga ko. Mahal na mahal.

Kaya naman pala sa tuwing pinapakita ko noon ang pictures ng “suki” ni Dad sa restaurant, ay wala s’yang reaksyon o ano. Kaya naman pala. Nagkakilala na pala silang dalawa. Kaya naman pala. Magkakilala na rin pala sila noon pa bago pa man kami mahuli ni Dad.

“Jam, may pupuntahan pa kasi ako e. Eto na ‘yong sabi kong ibibigay ko.”

“For Princess”, ang nakasulat sa takip ng maliit na box. Blue ito na may nakalagay na picture namin sa ibabaw nito. Napangiti ako nang nakita ko ‘yong picture.

“Ito ‘yong unang picture namin together, Niko.”

“Yup. Sabi n’ya nga.”

Napicturan ‘yon noong pauwi na kami galing sa isang church activity nang biglang tawagin kami ng co-volunteer namin. “Jam, Hiro, picturan ko kayo dali! Remembrance”, sabi n’ya. Ang activity na ‘yon ang kauna-unahang activity na sinamahan ako ni Hiro. Medyo nagkakahiyaan pa nga kami noon.

“Ang bata ni Hiro dito,” naku-cute-an ako sa itsura namin dito. Meron nga rin pala akong naka-develop na kopya nito at nakasingit na maigi sa ‘diary ko.

“Ikaw din kaya, tingnan mo. Ay Jam, may isang bilin pa pala sa’kin si Hiro. Sabi n’ya, ihatid daw kita sa inyo, mahigpit na bilin ‘yon, tapos kuhanin ko rin daw sa’yo ‘yong sabi n’ya daw sa’yo ay gawin mo. Pwedeng makiusyoso? Ano ‘yon?”

“Si Hiro talaga.. Hmm. ‘Yon ata ‘yong sulat. Oo, sulat nga ‘yon.”

“Ah! Oo, naalala ko na ‘yong tungkol sa sulat na ‘yon. O, pano, tara na?”

3:56pm

“For Princess,” pang-aakit sa’kin ng kahon na buksan ko na ito. Sa ‘di ko malamang dahilan ay kinakabahan talaga ‘ko, pero binuksan ko na ang kahon.

Sumalubong sa’kin ang isang maliit na papel na may nakasulat na Bible verse.

“For I know the plans I have for you, plans for you to prosper and not to harm you, plans to give you  future and to give you hope. -Jeremiah 29:11

I know everything that is happening is according to the Lord’s plan. And just what you’re always telling me, all we have to do is to learn how to trust and surrender to Him. I love you so much Princess. Hiro”

May isa pang papel sa ilalim nito at ang nakasulat rito ay ang binanggit n’ya noong kasal namin.

“My Princess, now my Queen, I promise to be with you every second, minute, hour of your life because my love will never leave you. I’m yours forever. I love you until my last breath.”

Pangako, kasama mo ako sa bawat segundo, minuto, oras ng buhay mo dahil hindi ka iiwanan ng pag-ibig ko.

Pinipilit kong humanap ng clue na magsasabi sa’kin kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi ako iiwanan ng pag-ibig n’ya. Ng pag-ibig n’ya. E s’ya?

Ano ba tong naiisip ko? Ano ba kasing nangyayari? Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Ano ba ‘tong naiisip ko?

Pag-angat ko ng pangalawang maliit na papel ay bumungad sa’kin si Ms. Princess. Bakit n’ya binibigay sa akin ‘to? May nakadikit na maliit na note sa harap nito na nagsasabing “Please don’t cry as you read my letter. I love you forever.”

Bigla akong kinabahan pagkabasa ko ng ‘I love you forever.’ Nanlamig ako at talagang nanayo ang balahibo ko nang mahawakan ko ang necklace na ibinigay n’ya sa’kin noon na hanggang ngayon ay suot ko pa. Anong klaseng pakiramdam ito?

Nangingig ang kamay ko ng hawakan ko ang sulat n’ya. Kinikilabutan rin ako. Kinakabahan ako talaga sa totoo lang. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naiisip ko, pero pakiramdam ko talaga para bang humahawak ako ng mga bagay na nagsisilbing pagpapaalam n’ya. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng isip ko pero sana mali ako. Hindi s’ya mawawala sa akin!

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now