Two Hours More - Six

35.5K 164 16
                                    

Para sa aking bagong kaibigan, kadaldalan at katawanan, super thank you! Hihi. Sobrang pasasalamat ko na lang talaga kay Kuya Migs at ni-recommend nya profile ko sayo. Haha. Katulad nga ng sinabi ko sayo noong unang beses na nagkausap tayo, masaya ko to meet you! Haha. P.S. Hindi ako sure kung mababsa mo pa to dahil nabasa mo na tong update na to bago ko pa mailagay itong dedication. Waha. Eto na naman ako sa mga late dedications. Nyaha.

 

Six

 

Jam’s POV

“Jam, hanggang kelan ka magiging mabuting anak ni Papa?” Tatawa-tawa pa tong si Migs sa pagtatanong n’ya. Nasa mood na naman mang-inis.

“Ubusin mo na nga lang ‘yang pagkain mo!” Mataray ang pagkakasagot ko sa kanya.

“Pikon ka kaagad? Wala pa nga e.” Tumawa lang s’ya. “Irap ka pa d’yan, dukutin ko kaya ‘yang mata mo?”

“Migs ikaw kung gutom ka, ‘wag mo kong idamay ha. Tigilan mo ‘ko.”

“Pikon! Prinsesang pikon!”

“Nakakainis ka!” Kung wala lang ako sa restaurant na ‘to na kinakainan namin nitong si Migs, may kasabay na malakas na hampas na sana sa balikat ‘yon.

Pero tinawanan n’ya na naman ako. Kaya naman ako nagsusungit ay dahil alam ko na kasi kung san pupunta tong usapan na to. Aasarin n’ya na naman ako na abot-kamay ko na daw lahat pero pinapalampas ko pa. Isang “oo” lang daw, tapos na problema ko. Konting tapang lang, magiging masaya na ko. Tutulungan n’ya daw akong itago kay Daddy ang pwedeng itago. Best friend ko naman daw s’ya at maaasahan ko s’ya dun. At patuloy n’ya na naman akong aasarin dahil patuloy daw akong nagpapalampas ng pagkakataon. Ganyan na naman ang magiging flow ng usapan namin pag nanalo s’ya sa pagpapasimula ng asarang ‘to.

“Migs, ikaw, ang kulit mo. Ayoko ngang lokohin si Daddy. Bawal pa nga e, bawal pa.” Nanalo s’ya. Napunta pa rin doon ang usapan namin kahit anong pag-iiwas ko.

“Magsabi ka kaya kay Papa?”

“Ano?! Naku, baka hindi na makapagpigil no’n si Dad, magagalit na ‘yon. Buti nga noon, hindi s’ya nagalit e. Hindi man lang nagtaas ng boses.”

“Kelan ba nagalit sa’yo si Papa? ‘Di magagalit ‘yon sa’yo, baby ka no’n eh. Magsabi ka lang ng maayos. Malay mo ngayon ayos lang pala. Ipagpaalam kita, gusto mo?”

“Migs?!” Ano naman kayang naiisipan nito?

Naalala ko tuloy ‘yong gabi ng birthday ni Hiro. ‘Yong narinig kong nag-uusap silang dalawa sa kwarto ko habang nagkukunwari akong tulog. Wala akong pinagkwentuhan no’n kahit kanino. Sinasarili ko lang ‘yong mga narinig ko.

“Alam mo kung anong problema sa’yo? Masyado ka kasing mabait e. Sa sobrang bait mo, masyado ka ng nagiging matatakutin. Wala tuloy nangyayari. Takot kang mapagsabihan dahil dito no?” Tinatanong n’ya pala ako. Tumigil s’ya sa pagsasalita at tumingin na parang sinasabing ibigay ko na sa kanya kung ano ang sagot ko.

“Ha? E, hindi ko alam.”

“Maniwalang ‘di mo alam Jam! ‘Wag ka kasing matakot kay Papa. Mahirap kapag masyado kang natatakot, wala lalong nangyayari. Try to be fearless sometimes; drop your fears for once; and move closer to the thing that you want.” Tinaas-taas pa n’ya ang mga kilay n’ya habang nakangiti ng nakakaloko. Seryoso s’ya sa sinasabi n’ya pero ‘yong itsura n’ya nang-aasar pa rin.

Lahat ng salitang binanggit ni Migs, nanunuot sa sa isipan ko. Mula nang pumasok ang mga iyon sa tainga ko, ‘diretso na agad ‘yon sa utak at paikot-ikot lang sa aking isipan.

“Migs. Ayoko ng pag-usapan to, please.”

Hindi naman ako takot, sumusunod lang. Hindi ako takot? Sino bang niloloko ko? Oo, takot talaga ko. Pag kasi ayaw n’ya, ayaw n’ya talaga. At ‘yon ang pinaka-ayoko sa lahat. Pag sinabihan ako ni Dad, ayoko ng kinukulit pa s’ya.  Lahat ng gusto ko binibigay n’ya, lahat ng hilingin ko ginagawa n’ya. Pero kapag ayaw n’ya, hindi ko s’ya mapipilit. At tsaka, narinig ko na nga ang lahat no’ng birthday ni Hiro.

“Jam, look. no’ng una, natakot kang main-love kay Hiro. no’ng nainlove ka na sa kanya, natakot ka namang baka panakip-butas ka lang. Nang nagtapat s’ya sa’yo e isa sa mga kinatakot mo ay si Daddy mo. And so on Jam... Lahat na ata ng klase ng takot naramdaman mo na. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong multo, alam mo ‘yon? Sige pairalin mo ‘yang takot mo, wala talagang mangyayari.” Sadyang masakit talaga kapag ipinamumuka sa’yo ang katotohanan. Tama si Migs. Duwag ako.

“Migs.”

“Fine! Fine Hiro’s princess, hindi na.” Sabi n’ya habang nakataas ang kamay na parang nagsasabing suko na s’ya.

 Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa isang theme park. Parehas naming gusto ang mga ganitong klase ng galaan.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon