Two Hours More

437K 1.5K 243
  • Dedicated kay GOD
                                    

P R O L O G U E

 

Malalim ang gabi. Nakahiga ako sa kwarto ko at nilalaro ang cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit, pero sa pagkakatitig ko rito ay nauwi na lamang ako sa malalim na pag-iisip.

Sa ngayon, wala man lang akong espesyal na dahilan para hawakan ‘tong cellphone ko ng pangmatagalan. Halos hindi ko na nga ‘to pansinin. Nando’n lang lagi ‘to sa bag ko o kaya sa study table ko. Napaisip tuloy ako.

Nakakamiss din pla.

Noon, halos hindi ko ‘to mabitawan kasi nag-eenjoy akong kausapin ‘yong "classmate" ko, "schoolmate" ko, o "co-volunteer" ko. Nag-eenjoy akong kausapin sila kasi ang babait nila sa’kin. Siguro kasi una pa lang may motibo na sila. Tapos ‘pag nalaman nilang hindi pa pala ‘ko pwede sa gusto nilang mangyari, ‘yong iba, mawawala na agad. ‘Yong iba, magpa-promise pa kunwari na mag-hihintay daw sila, tapos mawawala din naman. Mga peke.

Pero aaminin ko na noong una, nakukuha ko pang maniwala sa mga pangako nila. Pero natuto na ‘ko. Sa ngayon, naniniwala na lang akong hindi totoo ang mga pangako. At parang kahit kailan, hindi ko na gugustuhing maniwala pa ulit sa mga gano’n. Pero gano’n pa man, napapaisip pa rin ako.

Nakakamiss din pala.

Nakakamiss din pala ‘yong pakiramdam na may nag-aalaga sa’yo. ‘Yong pakiramdam na parang napaka-special mo sa isang tao. ‘Yong may nagbabantay sa’yo lagi na parang anghel. ‘Yong parang napakaimportante mo. ‘Yong pinapahalagahan ka n’ya. ‘Yong pakiramdam na minamahal ka n’ya, ikaw lang at wala ng iba.

Kahit hanggang doon lang.

Kahit malalaman mo na lang na peke lang pala.

Kahit na ang hiling mo na lang ay sana maging totoo naman.

Nakakamiss din pala.

>> Hello. Tapos na po ito nung June 2011 pa. Nakasulat lang sa aking mahiwagang notebook. Haha. I hope you'll enjoy reading this. Thank you and God bless you!

>> 9/12/2014 Let's talk on Facebook: facebook.com/holabbh; Twitter: @holabbh Hoho. Thank you!

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon