Two Hours More - One

51.5K 319 37
                                    

Hiro's POV

Sa totoo lang, sobra ko nang na-eenjoy ang company ni Jam. Mula nang unang beses na pinuntahan ko s’ya sa school n’ya, everytime na nag-uusap kami, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para bang napakadaling maging ako --- palabiro at maraming kwento. Hindi s’ya katulad ng ibang babae na mahirap biruin kasi nao-offend sila kaagad. Napaka-open-minded n’ya. Sumasagot pa nga sa mga hirit ko. Ang galing n’yang maki-jive. Actually, nagja-JAM nga ang mga personalities namin. And I like it.

At isa pang gusto ko sa kanya? Napakasimple n’ya. Para s’yang prinsesa kahit simple lang ang damit n’ya, kahit walang make-up, at kahit walang ayos ang buhok n’ya. I don't care much about how a girl looks; I care about how her heart blooms. And her heart simply makes her a princess to my eyes. I don't care about the curves or whatever in her body that boys usually look for a girl; I care about the curve her lips make when she smiles. A smile that lifts up one's heart. And all those things I care for, I found in Jam.

Last Friday, pinuntahan ko ulit s’ya sa school n’ya kahit two and a half hours away talaga ang schools namin. But unfortunately, wala s’ya. Medyo nalungkot nga ako. Yes, I now confess, namimiss ko na s’ya. I miss everything about her --- her smile, her giggle, her laugh, her voice --- everything.

Too bad because I found out who she was with the whole day. Si Miguel, best friend n’ya. Ewan ko ba pero parang iba ang naramdaman ng puso ko nang nalaman ko ‘yon. So I called her. Si Miguel buong araw n’yang kasama tapos ako, katext lang? Unfair ‘yon.

Na-realize ko na lang na the more I spend time with her and the more I talk to her, pakiramdam ko unti-unti nang lumalambot muli ang puso ko. Thoughts of Liah are gradually vanishing --- which for me is a good thing. ‘Pag kasama ko s’ya, pakiramdam ko ang saya-saya ko. Parang nakakalimot ako bigla na kakagaling ko lang sa break-up. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag s’ya ang kasama ko. Para bang lagi na lang akong may kasamang anghel.

Sa pagkekwentuhan namin, sa kulitan at biruan, pakiramdam ko, handa na ko.

Could it be that I'm falling for Jam?

Well, if yes, siguro wala namang mali doon. Wala naman ‘yon sa tagal na magkakilala kayo. Nasa nararamdaman ‘yon ng puso mo.

Friday.

Papunta ulit ako sa school n’ya, sana nando’n s’ya. ‘Di ko kasi s’ya ma-contact mula pa kagabi kaya ‘di ko alam kung nando’n ba s’ya ngayon. Susubukan ko lang naman. Galing pa kasi ako ng school pero mamaya kasing gabi babalik na ko ng dorm. Graduating kasi ako kaya nakakain na ng paggawa ng thesis ang karamihan sa oras ko. The last time I saw her was last Sunday pa, sa simbahan. Ngitian lang. Inakit ko s’yang sabay kaming magsimba no’n kaso ‘di s’ya pumayag gawa ng baka pagalitan s’ya ng Daddy n’ya.

Mga 3:20pm na rin ako nakarating sa school n’ya. Dating driver namin noon ang guard sa school nila kaya nakakapasok ako kahit ‘di ako studyante doon. Palapit na ‘ko sa isang room para tingnan kung nando’n s’ya nang makita ko s’yang papalabas na doon mismo.

"Hey Jam!" Parang nagulat pa s’ya nang nakita n’ya ko.

Inaya ko s’ya somewhere to eat, para kasing bad mood s’ya, para lumamig naman ulo. Nakasimangot na kasi pati s’ya at naka-pout na talaga lips n’ya. Napapatawa ko sa isip ko. Ang cute n’ya. Para s’yang bata. At sa mga ganitong sitwasyon, wala namang ibang magpapalamig ng ulo n’ya kundi isang mataas na baso ng ice cream, tapos chocolate cake. Mga typical na paborito ng mga batang paslit, alam na alam na.

At tama nga ako, gutom na nga daw talaga s’ya. Three hours na daw kasi sila sa meeting na ‘yon para sa event nila next week. We went to an ice cream parlor. Parang nagliwanag ang mukha n’ya nang pumasok na kami don. Para kong Daddy na may kasa-kasamang baby. Funny. I'm with a very pretty little baby girl. I'm with my baby.

"Ano?! Baby ka jan!"

"Joke lang! Masyado ka naman." I patted her head at ginulo ko buhok n’ya.

"Hiro, ano ba?" Nakakatuwa. Inis na inis na s’ya sa’kin. Pero tumatawa lang ako. Ang cute n’ya kasi talaga. Pakiramdam ko talaga sobrang close na kami.

Then later, kinausap ko na s’ya ng matino. Wala ng asaran baka tuluyan na s’yang mainis sa’kin, mahirap na.

"Alam mo bang under a spell si Mr. Prince and Ms. Princess?" ‘Yon na ‘yong mga pangalang binigay namin sa mga manika.

"Ano?" Gulong-gulo s’ya.

"Actually, may necklace talaga sila. The only way for the spell to be broken is to take off their necklaces, and then magiging totoong tao na sila in the person of the ones who will wear their corresponding necklaces." Hinugot ko ‘yong necklace na suot ko na natatakpan ng t-shirt ko --- which I declared Mr. Prince's necklace --- para makita n’ya. I looked at her and said, "See?". Ang yabang ko pa.

"So feeling mo naman prince ka? Pano naman nangyari ‘yon?" Ang ganda ng tawa n’ya, sobra.

Kinuha ko ‘yong necklace na na kay Ms. Princess. Isinuot ko na ‘yon dun no’ng isang araw pa. Tapos lumapit ako sa kanya at sinuot sa leeg n’ya ‘yong kwintas at sinabing, "Kasi I'm with a princess. And that made me a prince." Then I smiled with all my heart out. She was startled. "Third peace offering ko ‘yan."

"Hiro, I can't take it." Tapos sinubukan n’ya pang hubarin ‘yong necklace. Parang ‘di man lang n’ya napansin ‘yong pinapahiwatig ko sa necklace na ‘to.

"O, ‘wag mong tanggalin, sa’yo ‘yan, okay?" Pinigilan ko kamay n’ya.

"Ayoko, okay?" pinipilit n’ya talagang tanggalin.

"Jam naman o, please. Siguro naman pag nakita ‘yan ng Daddy mo, ‘di ka naman n’ya papagalitan ‘di ba? Please Jam, please. Tanggapin mo na." Nagmamakaawa na talaga ‘ko.

Marahan lang s’yang tumango. Ang swerte ko talaga kasi inborn na talaga ang pagka-anghel ni Jam, tinanggap n’ya rin sa wakas. Pinasaya n’ya ang puso't kaluluwa ko sa ginawa n’ya.

"Thank you, Princess." 

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon