Two Hours More - One

49.9K 312 26
                                    

Jam's POV

Naguguluhan na ako. ‘Yong little warrior noong una na mag-aalaga daw sa’kin. Ngayon naman ‘yong spell daw sa necklace na ‘to. Ano? Anong ibig sabihin no’n? O dapat bang isipin ko kung may ibig sabihin ang mga ‘yon?

"Migs, ano na?" Hawak hawak ko lang ‘yong necklace ko.

"Ang ganda ng necklace na bigay n’ya ha."

Pinalo ko ‘yong balikat n’ya.

"Sagutin mo ‘yong tanong ko."

"Ano ka ba? Syempre ‘yon na ‘yon no. Ang labo mo naman e."

"Ano nga?"

"E ‘di ‘yong gustong-gusto mo ng mangyari. Kunwari ka pa."

"Seryoso?"

"Ano ka ba, wala namang ibang pwedeng maging dahilan no. Anong akala mo, tinutupad n’ya pa ‘yong promise n’ya? Hindi na no. The moment he decided to give you Mr. Prince, ‘yon na ‘yon."

Natahimik lang ako. Gusto kong kiligin at matuwa pero, hindi ba parang may mali?

"Migs."

"Oh?"

"Nung magmeet kami no’ng wedding, dalawang buwan na pala silang break no’ng girlfriend n’ya. ‘Yong supposed to be pianist talaga ng kasal?"

"Parang alam ko na iniisip mo a."

"Sa tingin mo tama naiisip ko? Tama naman ‘di ba? Ano, pa’no na?"

"Basta, ‘wag ka masyadong mag-eexpect. Hurt comes from expectations, so be careful."

Natahimik na naman ako.

Halos isang buwan pa lang kami magkakilala, pero sabi ni Miguel ‘yon na ‘yon? Hindi ba malabo?

Para kasing mali. Hindi kaya panakip-butas lang ako? Ito ‘yong bumabagabag talaga sa’kin.

And so the days went on. Araw-araw pa rin s’yang nagtetext; tumatawag. Ako naman, gulong-gulo na. Gusto kong maging maligaya pero ‘di ko magawa kasi iniisip ko, baka ginagawa n’ya lang lahat to para maka move on. Baka ginagamit n’ya lang ako. At ‘yon na nga, ang pinakamasakit sa lahat, baka panakip-butas lang ako. Ang sakit naming pakinggan no’n. Akala ko pa naman, okay lang ang lahat.

Friday.

Science fair ng school namin. Ang daming tao from other colleges and universities. Nakakapagod. Nang mga bandang hapon na, minabuti kong pumunta muna sa garden ng school para makapag-isa ulit. Kalimitan, wala talagang tao do’n. Nakapangalumbaba lang ako sa mesa nang makaramdam ako ng antok. Siguro sa sobrang pagod. diniretso ko na ‘yon sa pag-idlip.

30 minutes passed.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat na lang ako nang may nakita akong lalaking nakaupo sa tapat ko na ngiting-ngiti pa.

"Good morning, Princess." Ang laki ng smile n’ya.

"Kanina ka pa dito?” Inis na inis ‘yong tono ng boses ko.

"Hindi ah. Halos kakadating ko lang din."

Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa malayo.

"Sorry. Galit ka?" Marahan ang tanong n’ya. Napasobra ata ako masyado.

"Hindi no."

Tahimik lang kami. Tapos miya-miya nagsalita ulit s’ya.

"Bakit nitong nakaraang araw parang napapansin ko ang init ng dugo mo sa’kin? May nagawa ba ‘kong mali?"

"Ano na naman ‘yon?" Nakasimangot ako.

"Ay nako, ang mga bagong gising talaga, nakakatakot kausapin."

Kahit tumatawa s’ya, hindi na ko sumagot. Tahimik na naman kami.

 Pagkatapos ng ilang minuto…

"Pwede ka na po bang kausapin? May itatanong lang po ako, kung pwede po."

Na-guilty ako bigla. Ang sungit ko pala masyado. Sorry Hiro.

Ngumiti lang ako.

Nagkwentuhan na kami ng katulad ng dati.

"’Yong itatanong ko nga pala. Kasi ‘yong girlfriend ng best friend ko, binigyan s’ya ng relo as a gift kasi monthsary nila kahapon. Si Niko? ‘Yong girlfriend n’ya naman ang pangalan, Aya. Ano bang ibig sabihin ‘pag niregaluhan ka ng relo? Naisip ko lang bigla."

"’Yon lang pala. Sabi ni Mommy, ‘pag niregaluhan ka daw ng relo ng isang tao, ibig sabihin daw no’n, mahalaga ka sa taong ‘yon. Mahal na mahal ka n’ya kasi segu-segundo, minu-minuto at oras-oras naiisip ka n’ya."

"Wow. Ganyan din ‘yong sabi ng mommy ko sa’kin dati."

"Alam mo naman pala e."

"E, gusto ko lang kasi malaman kung alam mo."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya. ‘di ko alam pero sa tuwing naiisip ko na palabas lang lahat ng ‘to, nasasaktan ako. Jam, the great panakib-butas. Ang sakit.

"Oh!" Nagulat ako kasi biglang may kinakabit na relo si Hiro sa wrist ko.

Ewan ko ba kung bakit pero no’ng hinawakan n’ya ‘yong wrist ko para bang iritang-irita ako sa ginagawa n’ya. Pilit kong hinihila ‘yong kamay ko. At syempre, naiintindihan ko naman ang mga nangyayari. At ayoko nang makarinig pa ng kung ano mula sa kanya.

"Ano ba? Bitawan mo ko."

"Wait. Jam. Please don't talk. Please listen."

Natigilan lang ako. Nagbabadya na rin ang luha sa mga mata ko.

"Jam, hindi ko din inakala na aabot ako sa ganito. no’ng una akala ko ginagawa ko lang lahat to kasi may pangako ako sa’yo. But the days passed and I realized na ginagawa ko na pala lahat to kasi…'' Napatigil s’ya sa sinasabi n’ya. ''Kasi I have loved spending time with you."

Ibinaba ko ang tingin ko sa table.

"Jam please don't think na baka naguguluhan lang ako, na-o-overwhelm sa pagkatao mo, o nadadala lang ng lahat ng mga pangyayari. Kasi Jam sigurado ako dito. Jam, please. Sigurado ako dito."

Medyo maluha-luha na rin ang mga mata n’ya, at kahit ang mga mata ko din, pinipigilan ko lang talaga ang mga luha ko. Kitang kita ko sa mga mata n’ya na totoo lahat ang sinasabi n’ya. Pero, ewan ko ba, tumayo ako sa inuupuan ko para makatakbo palayo, pero dahil hawak n’ya pa rin ang wrist ko, nakatayo lang ako pero napigilan n’ya kong makaalis. Ihinarap n’ya lang ako sa kanya. Magkaharapan lang kami. Nakayuko lang ako. Hawak n’ya na ko sa mga braso ko nang bigla s’yang nagsalita.

 "JAM, MAHAL KITA."

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon