Two Hours More - Fourteen - Hiro's Best friend

26.3K 145 14
                                    

“Nine months ago, narinig ko ang isa sa mga pinakamasamang balita na narinig ko sa lahat. Sabi ni Hiro, anim na buwan na lang daw ang itatagal n’ya sabi ng doktor n’ya. Galit na galit ako no’n that I almost wanted to kill the doctor who told him that,” pagkatapos ni Tito Harry ay si Niko ang nagsalita.

‘Bro, six months na lang daw ako.’ Nanlumo ako. Best friend ko si Hiro at sa lahat ng kakilala ko, s’ya lang ang tunay na nakakaalam at nakakainitindi ng tunay na ako. Hindi ko s’ya ipagpapalit kahit na kanino. At ang malamang mawawala na s’ya sa’kin ay isa sa mga pinakamasakit sa lahat. Dahil ang pinakamasakit ay ang mawala na s’ya ng tuluyan.

Sabi n’ya, ‘wag ko daw ito ipapaalam sa kahit na kanino. Ako, s’ya at si Tito Harry lang daw ang nakakaalam rito. Lalo na kay Jam, bilin n’yang ‘wag itong sabihin sa kanya para ‘di s’ya mag-alala.

‘Bro, ano bang alam ng doctor na ‘yan sa itatagal ng buhay mo? Diyos ba s’ya para sabihin n’ya sa’yo ‘yon?’

‘Sabagay tama ka. ‘Wag kang mag-alala, ‘di pa ko mamamatay. Di pa pwede. Aalagaan ko pa si Daddy pati si Jam.’ Saglit s’yang napatigil. ‘Sa tingin mo sa loob ng six months, magugustuhan na ko ni Jam? Pwede kayang sabihin n’ya rin na mahal n’ya ko?’

‘Bro naman! Tsaka ‘di nga tayo naniniwala sa six months na ‘yan, ‘diba? Ano ka ba?’

‘E, iniisip ko lang naman.’

‘Syempre, oo! Sigurado ‘yon, magugustuhan ka na ni Jam.’

‘Kaya?’ At binigyan n’ya ko ng ngiting punong-puno ng pag-asa. ‘Kapag hindi, mumultuhin kita.’

‘Wala namang ganyanan!’ At noon ay nagtawanan pa kami.

‘Basta bro, hanggang ‘di sinasabi ni Jam na mahal n’ya ko, hindi ako mamamatay… Ay mali pala. Hangga’t hindi nagiging kami pala.’

Bro, salamat sa lahat-lahat. Tama ako, kaya hindi mo na ko mumultuhin ‘di ba? Takot ako d’yan e, intindihin mo naman… Pero bro, sa harap ng mga taong nandito, kahit ilang ulit mo pa kong multuhin, ayos lang sa’kin. Kasi ang tanging gusto ko lang ay sana, makita’t makasama ulit kita.

Bro ingat ka d’yan. Mahal kita, best friend.” 

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon