Two Hours More -Seven

33K 139 15
                                    

Seven

 

Hiro’s POV

Noon pa ko desididong i-celebrate ang birthday ni Jam na magkasama kami. Hindi talaga ko papayag na hindi. Kahit na magka-duty pa ko ng araw na ‘yon, basta, i-cecelebrate namin ‘yon kahit anong mangyari. Gagawa ako ng paraan.

“Sa bakasyon? Wala pa kong plano e. OJT rin naman kasi namin, kaya, wala siguro. Ikaw?”

Nitong gabing ‘to, magkausap kami sa phone. Kakauwi ko lang nang mga oras na ‘yon.

“Mags-start na nga pala OJT mo no? Wala pa din akong plano e. Ang naiisip ko lang kasi ‘yong sa birthday mo. Ano nga palang plano n’yo sa birthday mo?

“Oo... Ano ka ba, ‘wag mo ng isipin ‘yon no. Sabi ni Dad, magbi-beach daw kami. Friday kami ng hapon aalis. Sabado ‘yon ‘diba? Tapos Sunday ng umaga ang uwi.” Mahina ‘yong pagkakasagot ni Jam, mukhang malungkot.

“That would be nice. Sino-sinong kasama nyo?” Kahit ako din malungkot. Nagtatanong ba naman kasi ako tungkol sa isang planong hindi naman ako kasama.

“Si Dad, Migs, Papa at saka si Mama.”

“Maghapon ba kayo?” Para kung hindi, makakasama ko pa rin s’ya. Gusto ko sa mismong birthday n’ya kami magkasama. Hindi advance celebration o late celebration. Nakakainis naman.

“Hiro...”

“Sana kasama nalang ako.” Asa naman akong makakasama ko s’ya sa araw na ‘yon. Nakakadismaya. “Gusto ko kasi talaga, ma-celebrate natin ‘yon.”

Hindi na s’ya sumagot. Pero nando’n pa rin naman s’ya sa kabilang linya.

“Jam, still there?”

“Yeah.”

Ayan na naman s’ya. Sa tuwing nagiging ganito na ang tipo ng usapan namin, tumatahimik na lang s’ya. Iwas na iwas masyado.

“Hindi ba talaga pwede?”

“Hiro…”

“Kahit saglit lang. Please.”

“Hiro, I got to go, palapit si Dad! Bye!”

And that was the end of our conversation. Hindi man lang ako pinasagot.

Ang nakakalungkot pa, hindi ko s’ya napilit. Sabagay, ano ba namang magagawa ko?

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon