Two Hours More - Two

45.6K 240 15
                                    

Jam’s POV 

Halatang-halata kay Hiro ang pagod pero nandito s’ya’t kasama ko sa activity ng grupo namin sa simbahan. Sabi n’ya kasi gusto n’ya daw akong samahan. Sinabihan ko s’yang ‘wag na kasi alam ko pagod s’ya sa review - nagrereview na kasi s’ya ngayon para sa nursing board exam ,kaso matigas ang ulo. Umaarte lang s’ya na ayos lang pero kitang-kita ko naman sa mga mata n’ya na pagod na s’ya. Ang swerte ko talaga kay Hiro.

“Hiro, ang pawis mo.” Sabi ko habang inaabot ang panyo ko sa kanya. Na sa’kin na kasi ‘yong panyo dahil kanina, pinampunas n’ya naman sa pawis ko. Binabalik ko naman ‘yong panyo n’ya para may magamit s’ya kaso sabi n’ya, sa akin na lang daw ‘yon. Hindi ko na kinulit, para sa kin na nga lang. Gusto ko kasi may gamit s’ya sa’kin.

“Thank you Princess.” Ang ganda ng pagkakangiti n’ya sa’kin no’n. Ano kayang naisipan ni Liah at pinakawalan n’ya si Hiro? Kung ako sa kanya, hinding-hindi ko hahayaang mawala sa piling ko ang katulad ni Hiro.

“Ahh... Princess, ‘yong pawis ko po.” Medyo nahihiya pa ang pagngiti n’ya no’n.

“Ay, oo nga pala. Sorry.” Nakakahiya naman. Napatitig pala ko sa kanya gawa ng pag-iisip kong ‘yon, kaya ‘yong panyo ‘di ko na nabitawan para iabot sa kanya. Nakakahiya ‘yon.

Binigay ko na sa kanya ‘yong panyo. Buti pa ‘yong panyo ko nahaplos na ‘yong mala-anghel n’yang muka.

Ilang oras pa, umuwi na rin kami. Dala n’ya ang kotse n’ya kaya doon na lang kami sumakay pauwi. Nasa bahay si Daddy kaya hanggang simbahan na lang n’ya ko hinatid tapos sabay sabay na kaming umuwi ng mga kagrupo ko.

“Bakit ikaw Princess, ayaw mong sabihin sa’kin kung kelan birthday mo? Ang daya mo.” Nagkekwentuhan lang kami sa kotse n’ya.

“Bakit, aanhin mo ba ‘yon?

“Bakit, bawal kong malaman?”

“Aanhin mo naman kasi? Makakain mo ba ‘yon?

“Hindi. Pero gusto kong malaman. Dapat lang kayang malaman ko ‘yon.”

“Bahala ka.”

“Tingnan mo to. Ayoko namang ipagtanong sa kaibigan mo kasi gusto ko ikaw mismo magsabi. Ano na nga? Kelan?”

“Sige mag-inarte ka pa. Wala ka talagang malalaman.” Tinatawanan ko lang s’ya. Pinipikon ko lang.

“Naman ‘to, sige na.”

Napangiti lang ako.

“Oo nga pala. Naalala mo ba last week? ‘yong pumunta ka dun sa piano contest na sinalihan ko?”

“At bakit iniiba ang usapan?”

“Sige, ‘di na nga lang ako magkekwento!” I pouted my lips then crossed my arms.

“Ito naman, binibiro lang kita. no’ng isang linggo? Oo, naaalala ko. Ang galing mo nga no’n e. Tapos sasabihin mo ayaw mong sumali kasi matatalo ka lang? Tagal pa kitang pinilit bago kita mapasali. Nanalo ka no’n ‘diba? ‘Yon ba ‘yong sinasabi mong frustrated pianist? Nananalo sa contest?”

“Oo nga e, ang kulit kulit mo pa no’n, kaya sumali na lang talaga ko. Kung natalo ako do’n, sisisihin talaga kita.”

“Buti na lang nanalo ka. Tsaka mananalo ka naman talaga, sa galing mong ‘yan.”

Sinagot ko lang s’ya ng ngiti.

“O, ano palang sasabihin mo? Anong meron last week, bakit mo natanong?”

“‘Yon ba?” Napangiti na ko sa mga susunod ko pang sasabihin.

“‘Yon kasi ang isa sa mga pinakamasaya kong birthday. Thank you Hiro ha.”

Hiro’s POV

“Ha??! Birthday mo no’n? Pambihira naman Jam, bakit ‘di mo naman sinabi sa’kin?!”

Napapatawa lang s’ya sa reaction ko.

“Sinabi ko na nga ngayon, nagrereklamo ka pa rin. Ano ba talaga?”

“Hindi. E kasi. Hindi ko man lang nalaman na birthday mo pala no’n, e ‘di sana—“

“Hayaan mo na, nando’n ka pa rin naman ih.”

“Pero---“

“Ano??”

“Pero hindi ko pa rin alam na ‘yong araw na ‘yon pala, ‘yon na. Sayang. Magkasama nga tayo pero wala naman akong kamalay-malay.”

Seryoso ako tungkol sa birthday n’ya. Balak ko kasing i-surprise s’ya kaso parang next year na ata ako magkakaron ng pagkakataon na gawin ‘yon. Sayang naman.

“Okay lang ‘yon no.”

“Hindi ah. Hindi okay ‘yon.” Seryoso na mood ko no’n. Pero hindi ako galit.

Di na s’ya sumagot. Baka na-guilty. Nakatingin lang s’ya sa’kin.

“Galit ka?” Napapangiti ako sa loob-loob ko. Ang sweet sweet kasi ng pagkakatanong n’ya. Pero, ‘di ko na lang sinagot ‘yong tanong n’ya.

“Happy Birthday Princess. I’m sorry kung late na late na ‘yong bati ko. Tapos wala pa ‘kong regalo ngayon.”

Napatawa s’ya.

“Ikaw talaga! Sige. Salamat. Thank you din sa priceless mong birthday gift no’ng araw na ‘yon. Sa pagpunta mo, sa pagsuporta, at sa pagpapakalma sa’kin no’n.”

Walang kasing halaga ang ngiting binigay n’ya sa’kin.

Priceless.

Napasaya ko naman pala s’ya. At mas malaki pang birthday gift ang naibigay ko kesa sa kahit ano pang pwede kong mairegalo. Kung masaya s’ya, masaya na rin ako.

Wala naman akong ibang balak na gawin kundi ang paligayahin s’ya lagi.

Kung magiging girlfriend ko s’ya, sisiguraduhin kong magiging masaya s’ya sa’kin. Pag nangyari ‘yon, isa na ko sa mga pinakamaswerteng lalaki sa mundo. Malapit na siguro ‘yon. Third year na s’ya ngayon. Dalawang taon na lang gagaraduate na s’ya. Kapag naipasa n’ya na ang accountancy board exam, palagay ko naman ayos na sa Daddy n’ya na paligawan sa’kin ang anak n’ya.

Malapit na rin pala. Konting panahon na lang. Hindi na ‘ko makapaghintay. Sana pwedeng higitin ang oras!

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon