Two Hours More - Four

39.2K 197 23
                                    

Jam's POV

"Sa sobrang iyak mo siguro kanina kaya ka nakatulog no?" Sabi ni Migs. "Ikwento mo na. Anong nangyari?"

 Walang anu-ano, nagmistulang gripo na ‘yong mga mata ko. Hindi ko mapigilan ‘yong lungkot at sakit.

 "Si Dad kasi e..." Para akong batang nagsusumbong noon kay Migs. Habang lumuluha, ikinwento ko ‘yong lahat ng nangyari kanina.

 "You're such a brave princess Jam. And he's such a lucky guy."

 "Wala namang nangyari."

 "Well, at least napaglaban mo s’ya. Ang swerte naman n’ya talaga o. Teka, bakit mo naisipang gawin ‘yon kanina? Anong meron?"

 "Hmm.. Si Hiro kasi, no’ng huling beses na nagkita kami sa school, tinanong n’ya na ko." Nagulat si Migs no’ng sinabi ko ‘yon. Katulad ko, hindi n’ya rin siguro ‘yon inaasahan.

 "Talaga? Anong sabi mo?"

 "Hindi ako sumagot." Mahina at malungkot ang pagkakasabi ko no’n.

 "Ano?! Bakit hindi?!"

 "Hindi ko kasi alam ‘yong isasagot, Migs."

 "Ano ka ba? Dapat sumagot ka. Ang lupit mo naman. Nagtatanong ng maayos ‘yong tao, dapat sinagot mo ng maayos."

 "Hindi ko nga kasi alam ‘yong sasabihin ko. Pagumo-o ako, parang niloko ko na rin si Daddy. Bawal pa nga ako ‘di ba? Ayoko namang humindi kasi… " Napabuntong hininga ako bago nagpatuloy. "Kasi masasaktan s’ya."

 "Jam, kaming mga lalaki, kapag nagtanong, ibig sabihin gusto ko rin naming marinig ‘yong sagot. Ayaw namin ng bitin na usapan. Naging matapang nga si Hiro para tanungin ka e, dapat naging matapang ka rin para sabihin sa kanya ‘yong sagot. You should have taken your stand. Dapat sumagot ka. As simple as that!"

 "Migs naman, parang ‘di mo naman kilala si Dad."

 "Ikaw babae hindi mo talaga naiintindihan at nakukuha ‘yong point ko ano?"

 "Ano ba kasi ‘yon? Ituloy mo kasi."

 "Ang point ko dito, sana sinabi mo kay Hiro ‘yong dapat n’yang marinig at malaman. Kung bakit hindi pwedeng 'oo', at kung anong meron bakit hindi ka maka-'hindi'." Diretso ang tingin n’ya sa kin. Ako din sa kanya.

 "You mean…?"

 Marahan s’yang tumango.

 "Yes."

 "A-ayoko nga!!! Kababae kong tao eh!"

 "Unfair ka! Si Hiro, ginawa na lahat ng effort para sa’yo, pero ikaw, ganyan ka. He deserves to know about IT. Kung ano man ‘yang IT na nararamdaman ng puso mo. It's about time. Hindi mawawala ang pagka-maria clara mo sa makabagong panahon kahit gawin mo ‘yon. Sa hindi pa pwede eh. At least alam n’ya."

 Napabuntong-hininga na naman ako. Sabagay mas naiintidihan talaga ni Migs si Hiro dahil kapwa sila lalaki.

 "Migs, hindi ko kaya." Sabi ko kasabay ng marahan kong pag-iling.

 "Do you love him?"

 "Migs. Syempre oo."

 "Ayun naman pala e. Naiintindihan ko ‘yong dahilan mo na babae ka. Oo, alam ko ‘yon. Pero bakit mo ba pahihirapan ang mga sarili nyo kung mahal nyo naman ang isa't-isa at alam mong sa desisyon mo lang naman nakasalalay ‘yong kaligayahan nyong dalawa? Mahal mo s’ya ‘diba? Kayanin mo. Para kay Hiro."

 Para kay Hiro?

Napatingin na lang ako sa kalangitan. Ilang segundo ang lumipas at biglang ang kanina pa namin hinihintay ay nagpakita na. Pinikit ko ang mga mata ko. At humiling.

 Sana Hiro mahintay mo ko. Hiling ko lang, sana, maging tayo. 

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon