Tanong mo, sagot ko

786K 17.1K 3.1K
  • Dedicated kay all the Clashers out there. I love you, guys!
                                    

Thank you at nakarating kayo hanggang sa puntong ‘to. Thank you sa pagsubaybay at pagpasok sa mundo nila Ice, Zoe, Xander, Yannie, Josh, Sab, Ken at Ayu. Thank you sa pagsama sa kanila sa pagkakilig, pagkabigo, pag-iyak, pagsasaya at sa pagbangon nilang muli sa tuwing nadadapa sila. Thank you sa pagmahal sa kanila pati na rin sa kwento nila. From the bottom of my heart, thank you! :) <3

Nagtanong ako noong nakaraan kung anu-ano ang mga tanong niyo at ito ang ilan sa nagcomment:

 May naka line-up na story after Teen Clash 2?

Meron. Ito sa ngayon:

1. The Trouble with the Rule (New Generation ng Clasher)

2. Story ni Ram.

3. Story ni Ash.

Related ba ang Teen Clash 1 at 2 sa Teen Clash 3/The Trouble with the Rule?

Sa Kingdom High, may clash. Anak nila Ice.

Kung anak sila ni Ice, bakit tatlong pares lang?

One child per couple lang. Bale 'yung apat, anak nila Ice. 'Yung dalawa, anak ng kung sino. 

Kasama ba sa Teen Clash 3/The Trouble with the Rule sila Ice?

Wala sila mismong POV sa 3 pero may konti silang exposure. Konti lang. As in konti.

Bakit Teen Clash 3 pa rin 'yun e hindi naman sila Ice na?

Kasi nasa Kingdom High pa rin tayo. TEENS pa rin ang characters. Barkada story pa rin. Kaya hanggang may naiisip akong kwento tungkol sa barkada na sa Kingdom High gagawin, tuloy tuloy lang ang Teen Clash.

Sino ang bida sa Teen Clash 3/The Trouble with the Rule?

Anak ng original barkada.

Kailan ang simula ng Teen Clash 3/The Trouble with the Rule?

Naipost ko na ang prologue. (September 5, 2014) Click mo 'yung external link or punta ka sa profile ko at hanapin ang The Trouble with the Rule.

  

Same time setting ba ang Teen Clash 3/The Trouble with the Rule at ito?

Hindi. Sa future na ang bago.

May story ba sila Sachi at Jacob? Krista? Ram? Tom?

Walang story sila Sachi at Jacob. Pwede akong gumawa ng special chapter sa kanila. ’Yung iba baka magkaroon ng side story.

After Teen Clash 3, pwede pa bang magpatuloy ‘yung sa original characters?

Hindi na. Maawa na kayo sa kanila. New story about them means new trials. Trivia! Muntik ng may mawalang bida ngayon Teen Clash 2 at kapag pinatuloy niyo pa ang story nila, baka tuluyan na ngang mawala ang iniisip kong mawalang character na ‘yun. Mawala as in ma-deads. Hahaha.

Wala na bang special chapter?

May special chapter. Kaya lang itatype ko lang siya kapag may naisip akong karugtong at kapag namiss ko lang sila. Ilan? Hanggang may naiisip ako. Kailan? Walang specific date. Magkagulatan na lang tayo. Haha. Pero meron at may naiisip ako.

Kailan itutuloy ‘yung Wanted: Someone to Love ni Ashely Scott?

Hindi ko alam pero matatagalan pa. Tatanggalin ko muna sa Wattpad ang ilang chapters. Ititira ko lang ang prologue. Irerevise ko rin siya kaya baka maiba ‘yung kwento. Iibahin ko rin ang title. Sorry sa mga readers ni Ash dyan.

Ipupublish ba ‘to? Kailan?

Wala pang specific date pero oo at matagal pa.

Anong inspirasyon niyo sa pagsulat ng story na ‘to?

Wala. Hahaha. Bigla na lang siya pumasok sa utak ko. Sinimulan ko ‘to na ‘yung kila Yannie at kila Zoe lang ang may naisip ako na scenario pero nung nagtagal naman buti na lang nagkaroon din silang lahat.

May hugot ba ang story mo? May nangyari na ba dito sa totoong buhay?

Wala akong hugot. Walang nangyari sa totoong buhay pero may ilang linya na nasabi at nabanggit sa totoong buhay. ;)

Totoo bang si ganito si ganiyan ang gaganap sa Teen Clash movie? Sinu-sino ang barkada?

Except movie-related questions nga po e. Bakit niyo pa 'yan tinanong? Hahaha.

Anong songs ginamit mo?

Tingnan mo ang playlist. Nakapost after nito. :D

Paano bigkasin ang name ni Zoe?

Zo-wi.

Again, thank you very much, Clasher! <3

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon