Battle 42

1M 21.3K 5.3K
                                    

Josh’ POV

Hindi ko alam kung anong problema o kung meron nga ba pero bigla na lang naging ilap sa akin si Sab matapos nung game. Hindi ko alam kung pagod lang ba siya at napaparanoid ako o sadyang tama ang pakiramdam ko.

Nang matapos ang practice, nagpaalam ako sa kanyang magpapalit lang at tinanguan lang niya ako. Nang hinatid ko na siya pauwi, buong car ride namin nakatahimik lang siya. Ang paalam niya matutulog lang daw siya pero nung tiningnan ko yung side mirror nakadilat lang siya at nakatingin sa kalsada. Pagbaba niya, isang “Bye, ingat” lang ang sinabi niya at umalis na. Ni hindi man lang niya ako pinagsalita.

Kung iisipin, hindi talaga ako naparanoid. Talagang may mali at ang nakakabwisit, hindi ko alam kung ano yun.

Ilang araw ko na siyang tinetext pero ang tipid ng mga reply niya. Kapag naman tatawag ako madalas hindi niya sinasagot. Minsan naman sasabihin niyang may ginagawa siyang project o requirement. I’m dumb, but I’m not that dumb. Project sa unang buwan ng sem? Come on!

At ang mas nakakainis pa dyan, kapag sinusundo ko siya sa classroom madalas nakaalis na siya o di kaya idadahilan niya na may gagawin pa siya.

“Ano na namang problema mo at nakasabukot yang pagmumukha mo?”

Nakatambay ako sa may gym at nag-iisip ng biglang tumabi sa akin si Sachi. Buti pa ‘to, palaging nandyan. Pasulpot sulpot lang.

“Don’t answer. Alam ko na. Same problem lang naman tayo. Parehas tayong nafriendzone. At ang pinakamasaklap dyan, madalas magkasama ang nang friendzone sa atin.”

Nabwibwisit na ako lalo pang nambwibwisit ‘tong babaeng ‘to. Natitiis ko na nga na hindi ako pinapansin ni Sab pero ang makitang madalas na niyang kasama si Jacob? Badtrip na ‘yan! Nakakabanas na ha! Durog na durog na ko.

“I know naman na walang something sa kanila pero the mere fact na makita silang magkasama habang ako nanunuod lang sa gilid, medyo masakit pala. I’m in love with my bestfriend. Cliché, right? And you’re in love with your friend slash ex. Ang bestfriend ko at ang ex mo, madalas magkasama ngayon. Why is that?”

“Nasasaktan ka ba talaga? Bakit parang hindi naman?” inis na tanong ko sa kanya.

Nakakainis na kanina pa niya inuulit ulit ang bagay na ‘yan. Hindi naman ako bingi para hindi marinig na madalas silang magkasama. Hindi naman ako bulag para makitang madalas nga sila magkasama. Hindi rin naman ako manhid para hindi masaktan kapag nakikita ko silang magkasama. Gaguhan lang ba?

“Masakit.”

“O talaga? Hindi halata.”

“Hindi naman dahil sa nakakapagbiro at nakakangiti pa ako ibig sabihin hindi na ako nasasaktan. It’s easy to pretend you’re happy even when you’re not. I don’t want to act miserable in front of other people. What for? Para kaawaan nila ako. That’s the least thing I need right now. Alam mo Josh, if you really love her, you’ll fight for her.”

Fight? I’ve been fighting for her all this time. I’ve got no intentions on stopping not even when she’s seeing Jacob frequently. Kaya lang paano ko lalaban kung hindi niya ako kinakausap? Kung hindi niya ako pinapansin. I die every time she’s ignoring me.

“Paano ko pa gagawin ‘yun?” tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at itinaas baba ang kilay niya, “May plano ako.” Bakit parang hindi maganda ang kutob ko sa plano nito? “Tayo na lang!”

I wasn’t informed she’s crazy. Kami? Magiging kami? Edi lalong lumayo si Sab sa akin niyan.

“Tigilan mo nga lang ako.”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon