Battle 71

1M 22.7K 7.7K
                                    

Zoe's POV

"Kanina pa nakatulala 'yang kaibigan mo, Ayu. Nakakatakot na ha."

"Hayaan mo siya Sab. Alam mo namang may pinagdadaanan 'yung tao."

"Ayun nga e. May pinagdadaanan siya. Kaya mas nakakatakot. Paano kung hindi na kinaya ng utak niya lahat ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon? Paano kung bumigay na? Natanggalan na pala ng turnilyo sa utak?"

"Matindi naman siguro ang kapit ng utak niya. At saka, ano ka ba. Mas okay na ang utak niya ang bumigay kaysa ang puso niya."

"Manahamik nga kayong dalawa! Kung anu-ano ang mga sinasabi niyo. Kung nilapitan niyo at tinanong niyo kung ano ang problema.. eh 'di sana tapos na."

Hindi ko maintindihan sa mga kaibigan ko kung bakit nagbubulungan pa. Naririnig ko naman ang pinag-uusapan nila. Ano pang point?

Nilapitan ako ni Yannie at kinalabit, "Uy. Anong -- "

"Huwag mo ng ituloy. Naririnig ko naman ang usapan niyo."

"Ingay kasi." Lingon niya kila Sab."O. Ano ng nangyari at tulala ka dyan?"

Napangiti na naman ako kasi naalala ko 'yung sinabi ni Ice bago siya umalis kanina. Ice na raw itawag ko sa kanya. Grabe. Para akong baliw na kinikilig dito.

"Sabi sa inyo bumigay na utak niyan e."

"Narinig ko 'yun, Sab!"

"Bakit ba kasi nakatulala ka kanina tapos bigla kang ngingiti na parang ewan dyan?"

Ngingiti pa lang sana ulit ako nang hawakan na ni Sab ang panga ko kaya hindi ko natuloy ang pagngiti ko. "Huwag mo lang kaming sagutin ng pagngiti ngiti mo. Medyo creepy ka na."

"Si Ice kasi."

"Wow. Ice na ulit? Anong nangyari sa Ivan?"

"Sabi niya Ice na lang itawag ko sa kanya." Napangiti na naman ako sa naalala ko.

Nanlaki ang mata nilang tatlo saka mga nag-uunahan na sumiksik sa akin. Ang luwag luwag ng sofa pero ginigitgit ako. Kapag kwento talaga..

"Kailan niya sinabi?"

"Saan sinabi?"

"Paano sinabi?"

"Chill, guys. Isaisa lang. Pero ganito kasi.. sinabi niya 'yun kanina sa tapat ng bahay natin. Ewan. Basta nung pagbaba ko ng taxi bigla na lang niya yun sinabi."

"Hinatid ka niya?!"Sabay sabay na sigaw nila.

"Oo. Magkasama kasi kami kanina."

Pinaulanan nila ako ng tukso at lalo pang nagpakwento kung bakit kami magkasama kaya kwinento ko naman ang lahat ng nangyari magbuhat nung sinalo niya ako nung concert hanggang sa naging kwentuhan namin.

Pinipilit nila na naramdaman daw nila na sinundan talaga ako ni Ice dun. Maski ako naman ayun din talaga ang una kong naisip. Hindi na ako magpapakaipokrita. Kaya lang nakakatakot na rin umasa. Baka kasi mamaya mali naman pala ako ng akala.Baka maging assumera lang ako at mamisinterpret ko ang nangyari. Basta sa ngayon go with the flow na lang ako.

***

Pagkatapos ng klase ko, pinuntahan ko sila Sab sa convenience store na tinatambayan nila.Inabutan ko siya doon kasama si Xander at Yannie pati na rin si Ken.

"Saan si Ayu at Josh?"

"May klase pa."

Nagdadaldalan kami ng biglang may tumawag kay Ken kaya nanahimik muna kami para masagot niya ang phone niya.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon