Battle 50

947K 19.7K 3.1K
                                    

Yannie's POV

Ito na ata ang perfect definition ng awkward. Magkasama ang present boyfriend ko at ex boyfriend ko. At ito namang ex ko, tinatanong ako kung pwede ba niya akong kausapin sa mismong harap ng boyfriend ko. What in the world is happening?

"Uhh.." Way to go, Yannie! Ayan din abg pinakaawkward na sagot. "Can we talk?" Tanong ko naman kay Xander.

Tumango siya at lumayo kami ng kaunti kay Tom. Napatingin ako sa direksyon ni Tom at lumingon ulit kay Xander as I crosses my arms.

"Anong pinag-usapan niyo?"

Nagkibit-balikat siya at umiwas ng tingin, "Kabanas. Ayoko naman kasi."

"Ang alin ba? Ano ba?"

"Paano nagpaalam sa akin 'yung kumag na 'yan kung pwede raw ba kayong mag-usap."

"Pumayag ka naman?"

"Syempre hindi."

"E bakit ayan at nagpapaalam?"

"Kasi nung una sabi ko ayoko. Tapos sabi niya payagan ko lang siyang kausapin ka magtitigil na siya."

"So pumayag ka na nun?"

"Hindi pa rin."

Ha? Hindi ko maintindihan. Kung hindi siya pumayag, bakit magkasama silang nagpunta sa akin? Bakit nung nagpaalam si Tom wala namang sinabi si Xander?

"Sabi niya kung di ako papayag, pipilitin niya ako hanggang pumayag ako. Kapag di ako nakulit, maghahanap pa siya ng ibang paraan para makausap ka. Baka hindi ako matuwa sa paraan na mahanap niya kaya napapayag na niya ako bigla kahit na ayoko namang mag-usap kayo ngayon." Kunot noo niyang kwento.

"Kung ayaw mo, dapat humindi ka na lang."

"Mangungulit e."

"Bahala siya."

Hinila ko na si Xander paalis sa lugar na 'yun. Narinig ko ang pagtawag sa amin ni Tom pero wala ni isa sa amin ang lumingon.

Tinuloy na lang namin ni Xander ang planong panunuod ng movie.

Nasa kalagitnaan kami ng panunuod nang mapansin ko na nakatahimik lang siya. Unlike before na nagcocomment siya sa mga eksena, ngayon nakatahimik lang siya.

Mula sa pagkakaakbay at pagkakasandal ko sa kanya, tiningala ko siya.

"Hmm?" Sabi lang niya ng makita akong nakatingin sa kanya.

"Okay ka lang, Da? You're too quiet."

Nilaro niya ang buhok ko at tiningnan ako saka umiling, "I don't know. I know you told me not to think too much, but.."

"But what?"

"I can't help but be scared of what lies ahead. I am sure you love me. There's no doubt. But.. Tom is another news."

Dama ko na nahihirapan nga si Xander sa pagdating ni Tom. Hindi ko alam kung makakatulong ba ako sa kanya with what I did. I kissed him.

"Don't worry over things that hasn't arrived yet. Thinking too much about the future might spoil the present."

Masaya ako na nagawa ko siyang pangitiin sa sinabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa gilid ng noo ko.

***

Papasok pa lang kami ng room ni Xander nang mapansin namin na nakatayo si Tom sa labas.

"Mukhang may hinihintay. Mukhang hinihintay ka." Bulong ni Xander.

"Hayaan mo siya."

Nagpatuloy kami ni Xander pero bago pumasok sa room ay hinarang na kami ni Tom, "Pwede na ba tayong mag-usap?"

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon