Battle 35

1.1M 24.4K 8.6K
                                    

Sab's POV

Magrereply ba ako? Kung oo, ano naman ang sasabihin ko? Ni hindi ko pa nga alam kung handa na akong kausapin siya. Handa na nga ba ako?

"Am I ready?"

"Sinong kausap mo?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng may biglang tumabi sa akin. Si Zoe and Ice.

"Yung lata."

Inirapan ako ni Zoe at tumabi sa akin sa pag-upo sa damuhan.

"Sorry sa pagsisinungaling. Tinitingnan ko lang magiging reaksyon mo."

"Nakita mo ba gusto mong makita?"

Tumango siya at ngumiti, "Yes. Bitter ka."

"Kapal naman ng mukha - "

"Halata naman 'di ba, Ice? Nakita mo naman reaction niya kanina 'di ba?"

Tumango si Ice which I already expected. Duh. Malamang mag aagree siya. Under kaya siya kay Zoe. As if naman ako ang kampihan niya. Edi mabugbog pa siya ng napakabuti niyang kasintahan. Myghad. Kasintahan.

"You still love him and he still loves you, too. I don't know why you're both trying to make things complicated."

"Hindi sa ganun, Ice. Minsan kasi hindi naman dahil sa mahal mo ang isang tao at mahal ka rin niya, okay na ang lahat. Hindi lang naman ang love ang bumubuo sa isang relasyon."

"I get your point. Pero kayo lang din naman ang nahihirapan."

"Siguro naman okay lang na mahirapan ng panandalian para sa bagay na pangmatagalan. Hindi 'yung madadalian man ako ngayon, pero hindi rin kami tatagal. I am trying to be mature here, nakokontra lang."

Napabuntong hininga si Zoe, "She is right, Ice. Medyo nagmamature na si Sab. Nakita ko rin ang nangyayari sa relasyon nila ni Josh. Para kasing konting struggles lang pwedeng mag-end lahat. Permanently. At least ngayon, pangsamantala lang ang hiwalayan. Baka sa susunod, forever na."

Finally. Finally someone got my point. Ang iba kasing tao ngayon pakiramdam nila na kapag mahal mo at mahal ka, go na. Hindi ganung kadali 'yun. Hindi pwedeng umikot 'yung relationship niyo sa love lang. Nasaan ang trust? Nasaan ang loyalty? Nasaan ang understanding? Wala. Wala ng space para sa mga 'yun kasi nga binuo niyo ng puro pagmamahal lang.

"Talk to him at least." Wow, Ice. Wow. Ayan ang kanina ko pa pinag-iisipan. So, ito na ba ang sagot sa tanong ko kung dapat ko na siyang kausapin. "You said you want the both of you to be matured enough to handle a relationship. You might as well start by talking to him. Hindi 'yung nag-iiwasan kayo."

"True, Sab! You're both in the same place, but it feels like you're million miles apart. Ni hindi niyo nga pinapansin ang existence ng isa't isa. Anong gusto mo, iwasan na lang forever? Bukod sa nahihirapan kami sa sitwasyon niyo, alam din namin na nahihirapan kayo."

"Straighten out things between you and Josh."

Kakaiba talaga ang tandem ng dalawang 'to. Ang lakas manghikayat. Kahit na feeling ko tama ako, paparamdam nila sa akin na hindi talaga which is very rare kong maramdaman kasi aminado akong most of the time, feeling matalino ako at tama ang pinipiling desisyon. Sige na, sorry na.

"He messaged me few minutes ago."

Nanlaki ang mata ni Zoe, "Anong sabi?"

"Gusto niyang mag-usap kami kung handa na raw ako. And then all of a sudden, you both came out of nowhere and lectured me about being mature and settling things between us. Parang sinagot niyo yung tanong ko without you even knowing."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon