Battle 19

1.2M 26.2K 10.8K
                                    

Sab's POV

Aaminin ko, kinilig ako sa sinabi niya. Naisip ko, ang special ko pala. Oo, girlfriend niya ako pero bihira kong maramdaman 'yun. We're more like best of friends or worst enemy. Yeah, ganun kami. Walang in beween.

Bihira siya maging sweet. Let's say.. once every two months? At sa pagiging sweet na 'yun, hindi pa all in. Alam mo 'yun. Hindi pa rin achieve 'yung sweetness na ginagawa ni Ken kay Ayu, ni Ice kay Zoe, lalo na ni Xander kay Yannie. Kumbaga sa flavor, mild lang.

Not that I'm complaining kasi alam ko namang iba-iba sila. Iba't iba 'yung way ng sweetness nila. Kaya lang syempre as a girlfriend, nandun 'yung kagustuhan mong maging sweet din siya sa 'yo. Nandun 'yung longing na sana gawin niya 'to, gawin niya 'yan. Nandun din minsan 'yung inggit kapag nakikita ko 'yung sweetness ng ibang boys kila Zoe, Ayu at Yannie. Pero okay na rin 'to kesa wala talaga siyang katiting na sweetness sa katawan 'di ba? I'll take what I can get ika nga.

But, wait. Ang cheesy na ata ng sinasabi ko. Ang pangit ng iniisip ko. Kadiri. Of course, mas gusto ko ang ganitong Josh. Walang cheesiness sa katawan. Wala rin masyadong drama. Chill lang kumbaga. Okay, ang gulo ko.

"Anong oras uwian mo?"

Nagsimula na ang panibagong sem. Halos second week na namin 'to at so far so good naman ang lahat. Except siguro sa fact na kaklase ni Yannie at Xander sa dalawang subjects ang nagbabalik sa hukay na si Tom. Awkward malamang.

"3."

"Sunduin kita."

"Walang practice?"

"Meron, pero pwede naman akong bumalik pagkahatid ko sa 'yo sa inyo. 5pm pa naman ang start. No sweat."

"Huwag na. Sasama ako kila Zoe sa No Name e."

"You sure?" paninigurado niya pa na pinalitan ko naman ng pagtango. "Okay, then. Sige, pasok na ko. Malelate na ako."

Patalikod at papasok na sana ako sa room ng tawagin niya ulit ako. "What?" Sa harap ko, may hawak siyang isang box ng chocolate.

"Ano 'yan?"

"Libro. Basahin mo baka mag-enjoy ka." Bwisit. Mambara ba.

"Bwisit. I mean anong gagawin ko sa chocolate na 'yan?"

"Titigan mo. Baka sakaling maubos ng ganun ganun lang."

Sinamaan ko siya ng tingin. Napakapilosopo kahit kailan. "Bigay ko sa 'yo malamang." paliwanag niya.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon