Battle 7

1.5M 30.7K 9.8K
                                    

Ayu's POV

Ilang araw na akong ginugulo ng problema ko. I lose track of time. Hindi ko na alam kung anong gagawin. 

Alam kong may point yung estrangherong nakausap ko. Alam kong dapat kong bigyan ng pagkakataon magsalita si Ken. Kaya lang paano ko gagawin 'yun kung ako mismo hindi ko magawang bigyan ng pagkakataon ang sarili kong tanggapin na totoong aalis siya. 

"So.."

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Zoe.

Para akong kriminal na pinapaikutan nila Zoe, Yannie at Xander. Hindi ko alam kung anong trip nila at bigla nalang ako hinila sa may dining area, pinaupo, pinatay ang ilaw at nagtira ng sobrang liit na liwanag saka ako pinalibutan.

"Ano bang ginagawa -- " 

"Ssh. Tahimik. 'Wag kang magsalita."

Ang dami ko ng iniisip dadagdag pa 'tong mga baliw kong kaibigan. Lalong sasakit ang ulo ko dahil sa kanila.

Padabog na ibinagsak ni Zoe ang kamay niya sa lamesa, "Kayo pa ba ni Ken?"

Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot. Knowing Zoe, mag-iinarte 'to at magpapakaOA.

In three..

two..

one..

  

"Ohmyghad!" sigaw nya habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. "Kailan pa kayo naghiwalay?!" halos maghysterical na sya at halos lumuwa na ang mata niya.

"Wala naman siyang sinabing hiwalay na." sabi ni Xander na nakaupo sa may lamesa.

"Hindi siya sumagot. Understood na 'yun."

Napasuklay si Xander sa buhok niya gamit ang daliri at saka nag-indian seat, sa ibabaw pa rin ng lamesa, at ipinatong ang mga siko sa tuhod, "Seriously, Zoe? Sabi mo kaya 'wag syang magsalita."

Sasagot pa sana si Zoe pero para siyang isda na ibinuka lang ang bibig at itinikom din agad.

"Is it mandatory for girls to overreact?"

Pasagot na sana ako para depensahan ang sarili ko ng hambalusin at  paluin ni Yannie si Xander ng placemat sa braso, "Anong sabi mo?"

Napahimas siya sa braso niya at saka ngumiti kay Yannie, "Wala. Ganda mo kako. Pakiss nga."

Lalapit na sana si Xander ng iharang ni Yannie ang kamay niya sa mukha ni Xander. Suits him well. No kiss for him.

I am surrounded by three crazy people. What am I gonna do? Ipipikit ko na lang 'to.

"Break na kayo?"

This time mahinahon na ang boses ni Zoe. Napadilat ako at pati ang kaninang madilim na dining ay may ilaw na.

Nakaupo na ngayon ang tatlo sa lamesa habang ako ay nakaupo pa rin sa silya sa harapan nila.

"Hindi. Kami pa rin." Tila nabunutan ng tinik ang tatlo sa naging sagot ko. "Kailan niyo nalaman?"

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon