Battle 22

1.2M 22.5K 6.7K
                                    

Ayu's POV

Nakakakilabot. Kahit alam kong hindi naman totoo kasi hula nga lang, hindi ko pa rin mapigilan ang matakot. Baka kasi mamaya totoo. Baka mamaya mangyari nga. It's frightening not knowing what will happen next. The future is a very scary place. 

Who or what will change? Is it for the better or for the worse?

"She's creepy." Bulong ni Zoe. "Last time, nung na-meet natin siya, never ko inexpect na totoo ang hinula niya. Sabi niya kasi hindi naman talaga siya manghuhula. Kaya lang paano niya nalaman 'yung kila Sab? Sinabi mo ba, Sab?" lingon ni Zoe kay Sab.

Ginantihan siya ni Sab ng sama ng tingin at irap, "Ipagkakalat ko pa ba na nakipaghiwalay ako sa ex boyfriend ko dahil sa parehas kaming immature? Dapat bang ika-proud yun?"

Napatahimik naman si Zoe at mukhang nag-isip, "What is she referring to ng sabihin niyang malapit ng may magbago?"

"Or who." dagdag ni Sab sa sinabi ni Zoe.

"Wala kasing clue. Kainis."

Nag-isip ako ng mabuti. Clues. Wala nga. Wala siyang nabanggit na mga clue. Pero may mga sinabi siya. May mga binanggit siya na pwedeng mangyari. May hindi mag-iiba. May magbabago. May mawawala. May darating. Kung hindi ako nagkakamali, ayun ang mga sinabi niya dati.

“Hindi mag-iiba. Magbabago. Mawawala. Darating.” Bulong ko dahilan para tumingin sa akin ang tatlo. “Ayun ‘yung mga hinula niya dati.”

“Oo. Tama. Naaalala ko pa ‘yan. Ganyan nga ang mga sinabi niya.” Pagsang-ayon naman sa akin ni Zoe.

“Hindi mag-iiba.. ako ‘yan at.. siya, di ba? Sabi niya?” pagtukoy niya kay Josh. She can't even say his name.

Napatango ako at inilagay ang daliri sa baba ko. “Hindi nag-iba ng ugali si Sab at Josh kaya nauwi sila sa hiwalayan. Magbabago? Ano naman kaya yun?” Walang sumagot sa tanong ko pero biglang napapalakpak si Sab.

“What?”

“Alam ko na ‘yung mawawala. Si Ken. Kasi ‘di ba nasa ibang bansa siya? So ibig sabihin, siya ang mawawala.” Feeling proud na sagot ni Sab. Pakiramdam ata niya nakasagot siya ng isang bugtong.

“Tama! Wow, Sab! Gumana ang utak mo ngayon ha. Ayan ba ang epekto ng –“ bago pa man din maituloy ni Zoe ang sasabihin niya, napatikom na siya ng bibig. Nakuha sa masamang tingin ni Sab.

Pero mawawala? Hmm. Parang.. “Hindi. Imposibleng si Ken.”

“Bakit naman? Minsan na lang ako tumama, Ayu. Mamamali pa ba ulit?”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon