Battle 13

1.3M 25.6K 8.8K
                                    

Yannie's POV

Ilang segundo lang na nakatitig sa akin si Xander ng marinig ang sinabi ko. I can't read him. Hindi ko alam ang nararamdaman niya.

"Hindi naman sigurado but malaki ang posibilidad na buhay pa siya." Tinitigan ko sya pero mukhang wala pa syang balak magsalita kaya tinuloy ko ang pagpapaliwanag ko. "I saw him twice. Hindi ko alam kung sya but.. I think sya nga yun. Zoe took a picture of him last time. We don't know if it's really him or maybe a twin. I don't know."

Natapos ako sa pagpapaliwanag pero ganun pa rin ang reaksyon ni Xander. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at sumandal.

"Kailan mo siya nakita?"

"Unang beses ng makasama natin si Ayu at Ken habang vacant time. Pangalawa, nung tumambay tayo sa No Name matapos umalis ni Ice at Ken."

"Medyo matagal na yung una."

"Xander.."

"But it's okay. Wala naman akong dapat ikabahala buhay man siya o hindi 'di ba?" Bumalik ang masayahing Xander na kilala ko. He's smiling widely at me. I can't help but to smile back.

"Wala. Gusto ko lang sabihin sa'yo kasi ayoko ng may tinatago."

"Then it's cool." Masaya niyang sabi at saka lumapit sa akin at umakbay, "Let's just watch movie.

Xander's POV

I told her it's okay and I'm cool with it. But I'm lying. I don't want her to worry.

Sa totoo lang, hindi ayos yun. Hindi rin yun cool. Yung ex niya ang pinakamalaking bangungot sa buhay ko ngayon. Wala na nga siya sa mundo noon pero hirap na hirap akong palitan siya sa buhay ni Yannie. Paano pa ngayon na malaki ang posibilidad na buhay sya at posibleng nasa tabi-tabi lang?

"Naging kakaiba ba siya matapos niyang malaman yun?"

Tinaasan ako ng kilay ni Sab at nagcross arms pa. "Problema mo?"

"Wala. Nagtatanong lang."

"Yannie told you about Tom. Naiinsecure ka ba?"

"Ha! Asa ka pa. Sa gwapo kong 'to tingin mo ba may insecurity pa ako sa katawan?"

Nginisian ako ni Sab at umupo sa tapat ko, "Deny pa. Halata na."

"Ano nga kasi reaksyon niya?"

Nagkibit balikat sya at sumandal, "I wasn't with her the first time she saw Tom. Ikaw ang kasama di ba?"

"Hindi ko na maalala naging reaksyon nya nun. Hindi ko naman kasi alam na may nakikita na pala siya. Ano na lang naging reaksyon niya ng ipakita ni Zoe yung picture?"

"Hindi siya agad nagsasalita. Parang nawalan ng dugo yung mukha niya. But after that, nag-aya na lang siya matulog. Maybe hindi naman siya ganun kaapektado. Kung anong naging reaksyon namin, ganun lang din yung kanya. Of course she has all the right to be shocked. Kung kami nga nagulat. Siya pa kaya di ba?"

Shocked. Ayun lang naman siguro ang naramdaman niya. Hindi naman siya siguro natuwa. Hindi naman niya siguro naisip na wala siyang boyfriend. Hindi naman siguro niya naisip na posibleng madugtungan yung natapos na nilang relasyon.

"Insecure nga." Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin kay Sab. Balik na naman sa usapan ng insecurity ko. "You were saying your thoughts out loud."

"Alam mo Xander, hindi ka naman dapat siguro matakot. Si Tom, past na yun ni Yannie. It took her quite some time to leave her past pero nagawa naman niya di ba? At dahil yun sa tulong mo. Do you still doubt Yannie's love for you?"

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon