Battle 73

1.3M 28.3K 16.3K
                                    

Yannie’s POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa baba. Tiningnan ko ang orasan na nasa lamesa sa gilid ng kama ko at napailing. 6:30 am. Sinong matinong tao ang uuwi ng 2 am, matutulog ng 3 am at gigising ng 6:30 am? Pagkatapos ng year-end party kanina, paniguradong wala ni isa sa amin ang nasa tamang pag-iisip na gigising ng ganitong kaaga.

Wait…

Paano kung natutulog pa pala silang tatlo? Paano kung pinasukan na kami ng magnanakaw?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naisip ko. Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga, sinuot ang tsinelas ko at pumunta sa kwarto ni Ayu. Kinatok ko siya at wala pa halos tatlong minuto ay nasa harapan ko na siya, “Bakit?” inaantok niyang tanong.

“I’m just checking. May naririnig akong noise sa baba.”

“Baka si Sab or Zoe?”

“We’ll know.” Sagot ko sa kanya at kumatok sa katapat niyang kwarto. Ang kwarto ni Sab. Hindi siya sumasagot kaya pumasok na lang kami ni Ayu. Buti na lang hindi naka-lock. “She’s here.” Bulong ko kay Ayu.

Naalimpungatan si Sab at nanlaki ang mata niya nang makita kami ni Ayu na nasa tapat na ng kama niya, “What the. You scared me. Bakit?”

“May naririnig na ingay sa baba si Yannie and we thought na isa lang sa inyo ni Zoe ‘yun. Obviously hindi ikaw kaya malamang si Zoe.”

“Check her room.” Mahinang sagot ni Sab pero tumayo na rin para sumama sa amin pagpunta ng kwarto ni Zoe.

After ilang katok, pinagbuksan na rin kami ni Zoe at nang makita namin siya ay nagkatinginan kaming tatlo, “What the hell.” Bulong ni Sab.

“Good morning to you, too.” Sabay hikab ni Zoe, “Anong trip niyo?”

“May naririnig kaming noise sa baba.Akala namin ikaw. Nandito tayong lahat sa taas. Sino ‘yun?”

“Oh my God.Baka ninanakawan na tayo!”

Dahan dahan kaming bumaba. Sinigurado naming wala kahit isa sa amin ang gagawa kahit sobrang katiting na ingay. Nasa hagdan na kami nang may maamoy ako na mabango. Pagkain. Wow naman sa akyat-bahay na ‘to ha. Nagawa pang makiluto. E kung ninakaw na niya ‘yung gasul at ‘yung pagkain pati na rin ‘yung stove at kaldero..eh ‘di sana hindi pa naman siya mahuhuli. Kaya lang ngayon wala na siyang kawala.

Makakarating na sana kami sa pinakababa kaya lang napahinto ako kasi parang hindi lang isa ang magnanakaw. Sa iba-ibang side ng kusina, may naririnig akong ingay.

Maingat akong sumilip sa kusina at nanlaki na lang ang mata ko sa nakita ko. Hindi ako agad nakapagsalita kaya nakisilip na rin ang tatlo.

“Paano kayo nakapasok dito?” tanong ni Sab kanila kahit alam ko naman ang sagot. Binigyan din kasi namin sila ng duplicate key.

Napatikom ako ng bibig nang makita ko ang reaksyon nung apat. Si Xander na mukhang nagtitimpla ng kape ay naitapon ang laman ng tablespoon na hawak niya. Si Ken at Ice na nagluluto ay parehas na halos napalundag sa biglaang pagsalita ni Sab at si Josh na naglalagay na ng pinggan ay napadulas ang kamay sa placemat.

“Grabe. Nanggugulat ba kayo?” tanong ni Josh habang hawak hawak ang dibdib niya.

“Parang mas nakakagulat na magigising ka na may ibang mga tao sa bahay mo, ‘di ba?”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon