Battle 47

1.1M 22.6K 5K
                                    

Yep. Xander and Yannie won. Choice niyo 'to, okay? Four points lang ang lamang nila kila Ice. Most of you ang reason ay para parehas ng pagkakasunod sunod sa Teen Clash1 at save the best for last DAW.

Yannie's POV

Napapangiti na lang ako kapag napapatingin kay Sab at Josh. Pati na rin kila Ayu and Ken. Parang kailan lang mga nag-iiyakan pa ang mga 'yan tapos ngayon ang saya saya na naman. Masaya ako para sa kanila.

Ang saya talagang makahanap ng ganitong klase ng barkada. Parang ngayon lang. Nakatambay kami sa bahay. Nasa garden kami at naglatag ng blanket. Picnic ang trip namin ngayon. Pati jamming kaya ibinaba ni Sab ang gitara.

"Ganito?" Tanong ni Sab kay Josh. Itinatanong kung tama ba ang chords na tinutugtog.

Umiling si Josh at inayos ang mga daliri ni Sab sa strum, "Ayan." Sagot niya at ipinagpatuloy na ni Sab ang pagstrum.

Napangiti si Josh. Proud siguro sa ginagawa ng girlfriend niya kaya ginulo niya ang buhok ni Sab at pinisil ang magkabilang pisngi ng humarap ito sa kanya na ginantihan naman ni Sab ng pagpisil din sa magkabilang pisngi ni Josh.

I smiled sa sweet gestures nila sa isa't isa. Who would've thought na ang partners na naghiwalay dahil sa immaturity ay magkakabalikan ulit at mas naging sweet pa sa isa't isa?

Napatigil ako sa panunuod kila Sab ng biglang may humalik sa pisngi ko. Of course, Xander. He is the kissing monster.

"Bakit ngumingiti kang mag-isa?"

"Nakakatuwa kasing panuorin si Sab at Josh."

Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Xander kaya nilingon ko siya, "Kinikilig ka ba sa kanila?"

Sino bang hindi kililigin sa love story ng Halimaw at Bakulaw?

"Oo naman. Nakakatuwa lang kasi. Ang akala nating tapos na.. may karugtong pa pala."

"It is because they are meant for each other."

"Totoo pala 'yung kasabihan, ano? Na 'Love is sweeter the second time around.'"

Napakunot ang noo ni Xander. Parang ayaw niya sa sinabi ko. O di kaya ay hindi siya naniniwala. Pero totoo naman. Napansin ko kaya.

"Akin na kamay mo, Ayu."

Napatingin naman ako kay Ken at Ayu.

"Bakit?" Tanong ni Ayu pero iniabot naman ang kamay niya kay Ken.

They locked fingers, "Para syempre holding hands tayo."

Kinalabit ko si Xander at tinuro sila Ken at Ayu, “Tingnan mo sila Ken at Ayu. Naghiwalay din sila di ba? Pero nagkabalikan din. Grabe ‘yung pinagdaanan nilang dalawa pero nakahanap pa rin sila ng way para magkabalikan. Ang sweet lang.”

Napailing si Xander sa sinabi ko. Anong problema ng lalaking ‘to?

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ihinarap sa direksyon ni Ice at Zoe.

“O? Anong gagawin ko ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Panuorin mo sila.”

Hindi ko man alam kung bakit, sumunod pa rin ako sa kanya. Nag-uusap lang ‘yung dalawa at nagtatawanan.

Tinawag ni Ayu si Zoe kaya napatingin siya kay Ayu. Sinamantala ni Ice ang pagkakataon at kinuha ‘yung camera niya saka itinutok kay Zoe para kuhanan siya ng litrato.

Nagulat si Zoe sa flash ng camera ni Ice kaya agad siyang napatingin dito pero si Ice naman nakatitig lang sa camera niya habang nakangiti.

“Beautiful.” Dinig kong sabi niya.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon