Battle 21

1.1M 23.8K 4.5K
                                    

Ayu's POV

"Na-move daw 'yung foundation?"

"Pinaatras? O napaaga?"

"Maaga. Instead na December, gagawin na lang daw sa August."

August? August na ha. Hindi na rin masama. Stress na stress na ako sa mga school works kailangan ko na atang mag-enjoy muna kahit sandali lang. Sa itsyura ko ngayon mukhang mas ako pa ang nastress at nadepress kaysa kay Sab. Buti pa si Zoe at Yannie, kahit pagod forever blooming.

Medyo nagpakachismosa na ako at nakinig sa usapan tungkol sa foundation week ng dalawang babae sa tabi ko, lulubos lubusin ko na.

Kinalabit ko 'yung isang mas malapit sa akin at nagtanong, "Sorry, not that I'm eavesdropping pero saan mo nalaman na nalipat ng date 'yung foundation week?"

"Ah. Sinabi lang sa akin 'yun ng kaklase ko. Hindi ko pa kumpirmado kung totoo, pero may ibang nagsasabi na nakapost daw sa bulletin malapit sa office ng president 'yung announcement."

"Okay, thank you." ngiti ko sa kanya at umalis na.

Bakit nga ba inaalam ko pa kung na-move ang date o hindi? At talagang umeffor pa ako magpuntang bulletin? Nandito na rin lang naman ako, edi tuloy tuloy na.

Malapit na ako sa may office ni president ng may nagsigaw ng pangalan ko dahilan para mapalingon ako kung saan saan. Sa hindi kalayuan, nakita ko si Yannie at Xander na kinakawayan ako.

"Saan punta mo?" tanong ni Xander.

"Iche-check ko lang sa bulletin kung totoong nalipat 'yung foundation week."

Tumango silang dalawa at napagdesisyunang sumama na lang sa akin dahil vacant naman daw nila. Medyo maraming tao ang nakikisilip sa bulletin. Sabi ko na nga ba. Hindi lang ako ang at si Sab ang chismosa sa university na 'to.

Makikigitgit na sana ako pero mayroon na namang tumawag sa pangalan ko. Okay? In demand ba ako ngayon?

Isang lalaki ang lumalapit sa akin habang nakangiti pa. Sino ba 'to? Itatanong ko pa lang sana sa nasa tabi kong si Yannie at Xander pero nang makita ko kung sino ang kasama nung lalaking tumawag sa akin, alam ko na. Si Tom 'yung kasama niya kaya ang lalaking ito ang kaibigan ni Tom. Ram, if I'm not mistaken?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhh, may titingnan lang?" I said unsure. Yes, nakausap ko na siya dati. Nag-advise pa siya sa akin noon tungkol sa pag-alis ni Ken. Pero kahit baligtarin ko man ang mundo, hindi kami friends. We're not even close.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon