Battle 49

995K 19.5K 2.5K
                                    

Yannie's POV

Halatang halata na nasira ang mood ni Xander dahil kay Tom. Kahit binigyan ko na ng assurance si Xander na wala na akong nararamdaman kay Tom, nababadtrip pa rin siya. 

Naghihintay kami ng prof para sa next class. Same room, same place, same seating arrangement.

Sumulyap ako kay Xander na nakatahimik lang sa tabi ko at nakatingin sa may bintana. Nakapalumbaba siya at medyo nakakunot ang noo. Alam ko na iniisip nito.

 Hinawakan ko siya sa mukha at ihinarap sa akin ang mukha niya saka pinalo sa noo.

"Aray! Para saan 'yun?" Gulat na tanong niya habang nakahawak sa noo. 

"Baka sakaling bumalik ang senses mo sa mundo." Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya, "Don't think too much. Huwag kang gumawa ng proproblemahin kasi wala namang problema."

Napabuntong hininga siya at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko, "Nakakabadtrip lang kasi. Parang kabute. Umaalis tapos babalik. Kung aalis siya, siguraduhin niyang huwag na siyang babalik."

"Hayaan mo siya sa buhay niya." He chuckled. Tapos ginulo pa niya ang buhok ko.

Habang naghihintay, hindi pa rin binibitawan ni Xander ang kamay ko. Nagpangulambaba ako at humarap sa kanya.

"Ano?" Nakangiti niyang tanong. 

"May tanong ako pero huwag kang magagalit." Tumango siya. "Bakit karamihan ng boyfriend or girlfriend inis sa ex?" I asked using a voice that only us could hear.

Nagkibit balikat siya at ngumiti lang. Anong klaseng sagot 'yun? "Sagutin mo."

"Next time." Natatawa niyang sagot. 

"Ngayon na lang. Sasagot lang naman e."

At swerte ko malakas ako kay Xander kaya sumagot naman siya, "Pumapasok kasi ang imsecurity. Masyadong mahal ng present yung karelasyon niya kaya natatakot siyang baka hindi pa siya sapat."

"Ha?"

"Ganito.. ako, kahit alam kong gwapo ako, naghahanap ako ng bagay na mali sa akin o bagay na wala ako pero meron ang ex mo. Nakakainsecure kapag may makikita ako. Natatakot ako na baka hindi ko maibigay ang bagay na naibigay niya sa'yo. Pero hindi lang 'yun ang rason."

"Ano pa?" 

"Alam kong minahal mo dati ang ex mo. At ayun ang pinakadahilan kung bakit ayoko sa kanya. Kasi nagawa niyang paibigin ka. Kung nagawa niya yun dati, pwedeng magawa ulit niya yun ngayon."

"So parang ang pinakareason ay natatakot ang mga present girlfriend or boyfriend na hindi mapantayan 'yung ex?"

Tumango siya bilang sagot. I get his point. Sabagay kung ako man yun.. malaman kong may ex si Xander na minahal niya ng sobra, ayokong palapitin siya sa babae. Kasi baka marealize niya na hindi pa pala ako sa sapat. Na baka mas naging masaya siya sa isa.

"But some exes are exes for a reason. Who knows, maybe they are just an instrument used to help two people find each other."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon