Special Chapter 5

526K 13.5K 6.3K
                                    


Note: Malayo na ang time setting nito sa previous chapter. Yearsss after na.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Josh' Point of View


Lost in the day, in a way, it's same as the one before this,

And I wish I could say that's it's all black and white

But it's gray, it's the same, it's the same and I'm so tired

But you are what I'm coming home to


Hindi ko na mabilang kung nakakailang buntong hininga na ako sa nakalipas na isang oras. Sobrang nakakapagod. Hindi ko nga alam kung sa trabaho ba ako napapagod o dahil sa byahe. O baka parehas.

Sobrang tambak ng mga gawain sa trabaho ngayon tapos kapag uuwi naman para makapagpahinga pahirapan din. Paano palagi na lang traffic. Kada minuto ata kasing haba lang ng isang ruler ang inaandar ng sasakyan ko. Dagdag perwisyo talaga 'tong traffic na 'to.

Kaya nang makapasok na ako sa subdivision, hindi ko na mapigilan ang mapangiti. Bukod sa makakapagpahinga na ako, makikita ko na ulit si Sab. Kahit anong pagod ko makita ko lang ang halimaw na 'yon pag-uwi ko ayos na.


"Nandito na ako," sigaw ko nang makapasok ng bahay.

"Welcome home!" sigaw din niya at sinalubong ako saka hinalikan sa pisngi.


Napangiti ako sa itsyura niya ngayon. Nakaapron pa at may hawak na sandok. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ito ang uuwian araw-araw?


"Magpalit ka na, Bakulaw. Malapit na rin maluto pagkain natin. Maghahain na ako," sabi pa niya at tumatakbong bumalik sa kusina.


Oh and I'm thinking about a red wine buzz and takin' it easy,

And I got you in my arms, takin' a break from crazy


Bago ako umakyat sa kwarto ay lumapit muna ako sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa niluluto niya. Kahit kailan talaga hindi ako magsasawa na makita siyang ganito. 'Yung nagluluto para sa aming dalawa. Masyadong wife material ang dating niya.

Sino nga ba naman ang mag-aakala na may tinatago pala siyang ganitong side?

Niyakap ko siya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya saka pumikit. Naramdaman ko naman ang paghinto niya sa pagluluto at bahagyang tumingin sa akin.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon