Battle 66

850K 21.8K 6.5K
                                    

Zoe’s POV

Hindi na ako makapagsalita nang marinig ko ang sinabi ni Ate Cass. Ang alam ko na lang, kailangan ko ng makita si Ice kaya tumakbo agad ako palabas ang campus.

“Zoe! Sandali! Bakit ka ba nagmamadali diyan?” dinig kong sigaw ni Josh.

Ni hindi ko na naalala na magkakasabay nga pala dapat kami papunta sa ospital. Ang makita na kasi agad si Ice ang unang pumasok sa utak ko at parang wala na akong pakialam sa mundo.

“Gising na si Ice!” sigaw ko pabalik sa kanila at maya maya lang ay naririnig ko na rin ang pagtakbo nila.

Malapit lang ang ospital na pinagconfine-an kay Ice sa university na pinapasok namin. Thirty minutes ride lang ata. Kaya lang pakiramdam ko sobrang haba ng naging byahe namin. Kating kati na akong makita si Ice. Buti na lang talaga at gising na siya. Maraming salamat sa Diyos. Sana tuloy tuloy na ang paggaling niya.

"What’s with the rush?” naguguluhang tanong ni Ayu nang makita niya kami.

“Gising na si Ice.” Masayang sagot ni Xander sa kaniya. “Teka, hindi niyo alam?”

“Kumain kami saglit ni Ken. Paakyat pa lang kami sa kwarto niya.”

“Tara na. Tara na. Mamaya na ang kwentuhan.”

Nasa labas pa lang kami ng kwarto ay naririnig na namin ang ingay sa loob. Pagbukas ni Josh sa pinto ay natahimik sila at napatingin sa amin.

“Oh my God. Finally! You’re all here!” masayang salubong sa amin ni Ash, “Gising na si Kuya Ice!”

“Nakikita naman nila, Ash. No need to state the obvious.” Sagot ni Ate Cass sa kanya.

“P’re! Buti naisipan mo ng gumising?” bungad ni Josh kay Ice. Nginisian naman siya ni Ice.

“Baka napagod ka na kakatulog.” Sabi naman ni Xander.

“Baka nagutom na. Mamaya pagkakain niyan matutulog ulit ‘yan. Buhay baboy lang ha.” Dagdag pa ni Ken.

Nagdaldalan ang apat at nakatitig lang ako kay Ice. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. And suddenly, his eyes met mine. I felt my heart skipped a beat. Tingin pa lang niya ganito na ang epekto sa akin. Namiss ko ang mata niyang ‘yun.

Kaya lang, nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa kung ano ang sinasabi ng mata niya. At sa tingin niyang ganun, bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Very rude, Ice. Kausap ka namin pero sa iba ka nakatinign.” Biro ni Ken at hinila ako papalapit sa kanya.

Grabe pa rin ang titig sa akin ni Ice kaya wala na akong magawa kundi ang mapalunok na lang.

“Ano? Ngayon pa ba kayo magkakahiyaan dala – “

“Girlfriend mo?”

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Ice. Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Lahat kami ay nakatingin lang kay Ice at naghihintay na ibato niya ang punchline niyang ‘biro lang’ pero hindi niya ginawa.

“Nice joke, Ice.” Pambabasag ni Sab sa katahimikan.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon