Battle 54

884K 19K 7.7K
                                    

Xander’s POV

Kung panaginip lang ‘to parang awa niyo na, gisingin niyo naman ako. Parang hindi ‘to totoo. Parang bangungot lang. Paanong nangyari ang ganito? Bakit sobrang bilis? Bakit wala man lang babala? Wala man lang warning. Masyadong biglaan. Hindi ko man lang nagawang paghandaan.

“Xander..”

“Hayaan na muna natin.”

“Pero—“

“Wala naman tayong magagawa para pagaanin ang loob niya. Bigyan na lang natin ng kaunting panahon.”

Masyadong masakit ang lahat ng nangyari. Daig ko pa ang sinaksak. Daig ko pa ang nabagsakan ng kahit na anong mabigat na bagay. Daig ko pa ang nahulog sa napakataas na lugar. Parang walang makakagawang makapagpaliwanag ng sakit na nararamdaman ko. Walang makakaintindi. Masyadong malalim. Masyadong masakit. Hindi ko alam kung paano aahon.

Ilang araw na ba magbuhat nung huli kaming magkita? Ilan na nga ba? Hindi ko na maalala.

Sabi nila isa sa pinakamasayang buwan ang Disyembre. Bakit hindi naman ako masaya? Bakit puro lungkot ang nararamdaman ko? Bakit halos puro dilim lang ang nakikita ko? Masyadong maraming tanong ang umiikot sa utak ko pero wala ni isa ang mabigyan nila ng sagot.

Bakit ayaw na niya?

Bakit napapagod na siya?

Bakit nagsasawa na siya?

Bakit sinabi niyang mahal niya ako pero wala siyang nagawa para ipaglaban ang pagmamahal na sinasabi niya?

Anong ginawa kong mali para matanggap ang ganitong klaseng sakit? Ano pa bang kulang?

 

Tiningnan ko ang litrato naming dalawa na magkasama. Kuha pa ‘to bago kami maghiwalay. Masyado pa kaming masaya na hindi ko na namalayan na ito na ata ang huling litrato naming dalawa.

“Mahal na mahal kita, Yannie.”

***

“Ano? Masaya ka na ba at pasira na ‘yang buhay mo?”

Hindi ko pinansin ang tanong ni Ayu at ipinagpatuloy lang ang pag-inom.

“Xander, tiningnan mo na ba ang sarili mo sa salamin?”

“Ano bang pakialam niyo? Bakit ba nandito kayo? Doon na nga lang kayo sa kaibigan niyo!” pagtataboy ko sa kanila.

Naramdaman ko ang pag-upo nila Zoe, Ayu at Sab sa tabi ko. Pareparehas na kaming nakasalampak sa sahig. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Sa itsyura ko ngayon malamang ngang hindi nagsisisi siguro si Yannie at iniwanan niya ako.

“Kaibigan namin kayo parehas, Xander. Bilang kaibigan mo, ayaw ka naming makitang ganyan.” Saglit kong tiningnan si Zoe pero binawi rin agad ang tingin na ‘yun.

“Nakakag*go,” sagot ko at uminom ulit.

“Sa totoo lang maski kami hindi namin alam kung bakit naging ganun ang desisyon ni Yannie. Hindi kami nagpunta dito para ipagtanggol siya o kampihan ang sino man sa inyo. Nandito kami kasi alam naming may mali. Alam naming hindi ganito lang ang dapat kahinatnan ng relasyon niyo.”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon