Chapter 44

20.6K 531 81
                                    

A/N: Woot! Epilogue na lang at tapos na tapos na tong UMS na to. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagbasa, bumoto at nagcomment sa story na to, grabe, hindi ko akalain na magugustuhan nyo to. Nagpapasalamat din po sila Klarisse, Justine, at parrot sa suporta nyo sa kanila, mahal na mahal daw nila kayo ^__^

==========================================================================

KLARISSE'S POV:

"Papano kung hindi sya pumunta? Kung ayaw na talaga nya sakin?" Oo, kinakausap ko na naman yung sarili ko, lagi naman, parang hindi na kayo nasanay. Kinakabahan kasi ako ngayon dahil sa ginawa ko eh. Wala naman kasi talaga sa plano ko yon pero nawawalan na kasi ako ng pag-asa kaya yun na lang yung naisip ko.

Buti na lang nandyan sila Jordan at Carlo para tulungan akong makiusap kay direk na i-play yung video na ginawa ko para kay Justine. Grabe, ilang bote yata ng tanduay ice yung tinira ko para magkaron ng lakas ng loob na gawin yon.

At alam ko na sa mga oras na to, napanood na ni Justine yung video ko. Nakakahiya talaga sa mga reporters at sa mga fans na nandun ngayon, baka sabihin nila, ang trying hard ko. Baka lalo nilang ipamukha sakin na hindi talaga kami bagay ni Justine.

Eh bakit ko nga ba ginawa yon?

-FLASHBACK-

"O ano na anak? Uuwi ka na ba dito sa bahay?" nakangiting tanong sakin ng nanay ko nang makasalubong namin sya ni parrot.

"Pwede na po ba Ma?"

"Kayo na ba ulit ni Justine?"

"Hindi pa po."

"Eh di hindi ka pa pwedeng umuwi"

"Ma naman! Papano kung hindi nya ko sagutin? Papano kung ayaw na nya sakin?"

Nagtsk tsk naman ang magaling kong nanay.

"Klarisse Lopez, hindi kita pinalaki ng ganyan para maging slow lang." sabay sulyap nya kay parrot. Ay si Mama ang hard o.

"So Tita, may gusto po kayong patunayan nyan kaya sumulyap pa talaga kayo sakin?" nakasimangot na sabi ni parrot.

"Joke lang yon Maybelle, ikaw naman, di ka na mabiro" nakangiting sabi pa ni Mama.

"So ano ngang point mo don Mama? Pano mo nasabing slow ako" sabi ko na sumulyap din kay Maybelle.

Bigla naman ako nitong binatukan. Aba't lumalaban na tong parrot na to ha!

"Klarisse, san ka nakatira ngayon?"

"Kila Justine po."

"At sinong nagpatira sayo don?"

"Si Justine din po"

"Bakit ka nya pinatira don?"

"Eh kasi po sabi ko sa kanya, hindi nyo ko papauwiin sa bahay hangga't hindi ko sya nagiging girlfriend ulit."

"Yun lang ang sinabi mo sa kanya?"

"Sabi ko po baka pwedeng magpanggap kami na sinagot na nya ko para makauwi ako sa bahay pero ayaw nya, ayaw daw po nya kasing magsinungaling sa inyo eh"

"Naniwala ka naman?"

"Eh Ma, ano ba kasing pinaglalaban mo dito?" balik-tanong ko sa kanya.

"Ang point ko lang naman mahal kong anak eh baka naman gusto ka lang talagang makasama ni Justine kaya kahit pwede naman syang pumayag sa gusto mo, eh mas ginusto nyang patirahin ka na lang sa bahay nila"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon