Chapter 2

32.1K 707 61
                                    

KLARISSE'S POV:

Unti-unti kong minulat yung mga mata ko. Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin na nasa kwarto ko ako. Wooo! Panaginip lang pala yung nangyari kanina. Akala ko hinimatay na talaga ako sa harap ni Jordan.

Grabeng panaginip yon. Feeling ko totoong-totoo.

"Buti naman nagising ka na" boses ng babae.

Napalingon tuloy ako sa kanya. Nanlaki agad yung mata ko. Shet! Anong ginagawa nya dito? Ibig sabihin? Oh no! Nakakahiya.

Natawa sya ng mahina.

"Ang cute mo" sabi pa nya.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Umuwi kasi muna yung pinsan mo, eh sabi nya wala daw magbabantay sayo dito. Si kuya naman lumabas lang saglit" sagot naman nito.

"K-kuya?"

Oh my god! Hindi panaginip yung kanina. Hinimatay nga ako sa harap ni Jordan. Lord, ok na po, kunin nyo na po ako. Hindi ko po kakayanin tong kahihiyan na to.

"Yep. Si Kuya Jordan" nakangiting sabi nito.

"N-nandito sya?" Damn! Bat ba kanina pa ko nabubulol!

Lalong lumapad yung ngiti nya.

"Yeah, pero hindi naman sya pumasok dito sa kwarto mo kaya hindi nya nakita yan" sabay turo nya sa human-sized poster ni Jordan sa kwarto ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero bigla din akong natigilan.

"Sinong nagbuhat sakin papasok dito?" takang tanong ko dito.

"Si Kuya. Pero nung ipapasok ka na dapat dito sa kwarto mo, pinigilan sya ni Maybelle. Basta sabi nya wag daw papasok si kuya dyan sa kwarto mo. Kaya yun, kami nung pinsan mo yung nagbuhat sayo papasok dito." Paliwanag nya.

Wala sa loob na tinakpan ko yung mukha ko ng palad ko. Nakakahiya! Nakakahiya talaga.

Natatawa namang lumapit sakin si Justine.

"Btw, ako nga pala si Justine. Kakambal ng love of your life. And you are?" tukso nya sakin.

Nakasulat kasi sa tabi ng picture ni Jordan to "The love of my life". Sa dinami-dami ng makakakita yung kakambal pa nya! Kill me now please!!

"Nakakahiya" sabi ko sa kanya.

Natawa na naman sya.

"Ano namang nakakahiya don? Eh marami naman talagang nagkakacrush sa kakambal ko eh"

"Sorry, ako nga pala si Klarisse" nakalimutan kong tinanong nya yung pangalan ko. "At dun sa sinabi mo, hindi ko lang crush yung kapatid mo" nahihiyang sabi ko dito.

"I know. Sya din yung gusto mong maging tatay ng mga anak mo diba?"

Nanlalaki yung matang napatingin ulit ako dito. Papano nya—

"Si Maybelle" tatawa-tawa nyang sagot.

Bwisit ka talagang parrot ka! Wag na wag kang magpapakita sakin. Kakalbuhin ko talaga yung babaeng yon! Hindi mapigil yung kadaldalan!!

"Hey, ok lang. Sanay ako sa ganyan" sabi pa nya sakin.

So ibig sabihin marami syang nakikilala na may gusto din sa Jordan ko? No! Sakin lang si Jordan, sakin lang!

"Saka wala din namang pag-asa diba? Kase may girlfriend na sya?" malungkot na sabi ko dito. Nagffish lang naman ako ng information. Umaarte lang ako. Kala nila sila lang marunong umarte ha!

"Si Kuya? Walang girlfriend yan!"

"Eh diba si Kath yung kaloveteam nya, sabi sa news sila na?"

"Hindi totoo yun. Publicity lang yun. May movie kasi silang ginagawa ngayon diba? Sakin ka maniwala, single na single pa yung lalaking gusto mong pakasalan."

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon