Chapter 38

20.6K 536 56
                                    

A/N: Hey guys! Eto na yung update ko o! Sorry kung hindi ako nakapag-update dito kahapon, kailangan ko kasi munang tapusin yung FFMMM eh. Eto rin, malapit ng matapos. Nag-iisip na lang ako ng magandang ending. Yung bongga kase eto yung paborito ko sa lahat ng stories ko eh. Super love ko kasi yung character ni Klarisse, ehem! Hahaha! Well sana magustuhan nyo to kase hindi ako sure kung keri lang tong chapter na to. Ah basta, bawi na lang ako sa susunod.

O sya sya, basahin nyo na lang to. Enjoy guys! I love you all.

====================================================================

KLARISSE'S POV:

"Babe, ready ka na?" narinig kong tanong ni Justine.

Huh? Hanggang sa panaginip ba naman boses pa rin ng bruha yung naririnig ko? Hala Klarisse, ikaw naman yata yung nagayuma eh. Ikaw yung tinamaan ng bongga!

"Huy babe!"  tawag pa nito.

"Pwede ba Justine! Hanggang dito ba naman sa panaginip ko ginugulo mo ko!" naiiritang sabi ko.

Narinig ko namang tumawa ito ng malakas.

"Sabi sayo Justine, mahirap gisingin si Klang eh" huh? Pati ba naman si parrot nakikigulo sa panaginip ko?

"Tingin mo pag hinalikan ko tong si babe, magigising sya?" narinig ko pang sabi ng bruha.

Agad naman akong nagmulat ng mata. Nagulat ako nang makitang papalapit na yung mukha ng bruha sakin kaya agad ko syang tinulak.

Tatawa-tawa naman silang dalawa ni Maybelle sa reaksyon ko.

"Epektib nga!" sabi pa ni parrot.

Takang napatingin naman ako sa kanilang dalawa.

"Anong ginagawa nyo dito?"  tanong ko sa kanila. Ang aga-aga andito sila sa kwarto ko.

"Sinusundo ka" sagot naman ni Justine.

"At bakit mo naman ako susunduin? Wala naman tayong pupuntahan? Saka pwede ba, ang aga-aga pa, umalis nga muna kayo dito sa kwarto ko. Gusto ko pang matulog" inis na sabi ko.

"Para mapanaginipan ulit ako?" nakangiting tanong ng bruha.

"Tse! Hindi panaginip yun kung ikaw, nightmare yon!" inis na sabi ko sa kanya.

"Asus, siguro napapanaginipan mong nag-aano tayo no?" sabay ngiti ng nakakaloko.

Agad ko naman syang binato ng unan! Ang manyak na to! Puro kabastusan ang nasa isip!

"Bastos ka talagang manyak ka!"

"Huh? Anong bastos don? Ang ibig ko lang namang sabihin, habang nag-aano tayo, nagbabake." Palusot nito.

"Leche, wag mo kang lumusot dyan! Umalis na nga kayo! Mga istorbo!"

"Aalis tayo Klang!" sabat ni parrot.

Aalis? San pupunta? Ganito kaaga?

"Huh? Wala naman tayong usapan diba?"

"Sasama kayo sakin" nakangiting sabi ng bruha kong girlfriend.

"Saan?" ano na namang pakana to?

"May movie kasi kaming gagawin nila Kuya, eh 3 days daw na shooting sa Palawan. At dahil ayokong matagal tayong magkalayo, isasama na lang namin kayo ni Maybelle"

Ok processing, processing, processing. Ano daw? 3 days sa Palawan? At puro artista yung kasama namin? Nah! Ayoko!

"Hoy masyado kang clingy! 3 days lang yon no! Kung maka-'matagal' ka naman parang isang taon tayong hindi magkikita! Ayoko! Hindi ako sasama, kayo na lang!"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon