Chapter 15

24K 529 41
                                    

A/N: Janan! Eto na po ang kasagutan sa kalituhan natin sa mga nagdaang araw, hahahaha! Aalis kasi ako maya-maya kaya tinapos ko agad tong chapter na to. Sana po magustuhan nyo kahit medyo maikli lang. Hardyharhar.

And kung napapansin nyo po, puro pa POVs ni Klang yung nababasa nyo, mejo malapit na po yung POVs ni Justine simula sa umpisa yon ^___^

I love you guys! CIAO!

=============================================================================

KLARISSE'S POV:

"O anak, bat ang aga-aga nakabusangot ka dyan?" tanong sakin ni Mama.

Halos ilang araw na rin akong nagmumukmok dito sa kwarto ko. Nalilito na kasi ako sa nararamdaman ko. Tapos ang kulit-kulit pa nung kambal. Araw-araw silang nagpapadala ng 'something' sakin. At halos pareho lagi. Hindi ko alam kung pinagttripan lang ba nila ko o pareho ko silang nagayuma. Pero hindi pwede yun eh, may pinahabol kasi sakin non si lola ganda na sa isang tao lang pwedeng umepekto yung ginawa nyang gayuma.

Pero sino ba talaga sa dalawa yung nakainom ng gayuma? At sino sa dalawa yung totoong nagmamahal sakin?

Aish! Sinasabi ko na nga eh, walang mabuting idudulot yung gayumang yon. Mas ginawa nyang komplikado yung lovelife ko. Ang gusto ko lang naman, mahalin ako ni Jordan eh.

"Anak?"

"Wala Ma, masama lang po talaga yung pakiramdam ko." sagot ko kay Mama, nandito pa rin pala sya sa harap ko.

"Ganun ba? Sige, magpahinga ka na lang muna dyan. Oo nga pala, dumaan dito si Jordan kanina, pinabibigay to" nakangiting sabi nito sabay abot sakin nung malaking stuffed toy.

"Nanliligaw na ba sayo yun? Aba sagutin mo na anak! Eto na yung katuparan ng mga pangarap mo!"

Nagtalukbong na lang ako ng kumot para umalis na si Mama. Ewan ko ba, gusto kong maging masaya kase si Jordan na to eh! Sinabi pa nya nung isang araw sakin na wala na sila ni Kath, na ako yung mas pinili nya. Buti pa sya, alam nya kung sino talaga yung gusto nya, eh si Justine, hanggang ngayon sila pa rin ni Carlo, at wala yata syang balak hiwalayan yon kahit sinasabi nyang gusto nya ko.

Eh bat ba ko apektado kay Justine? Diba dapat mas matuwa pa nga ako kase at least kung si Jordan yung pipiliin ko, hindi sya gaanong masasaktan kase nandyan si Carlo. Eh bakit parang ako yung nasasaktan? C'mon Klarisse! Bago ko magdesisyon, siguraduhin mo muna kung ano talaga yung nararamdaman mo.

Matutulog na sana ako ng biglang pumasok si Maybelle.

"Klang!!! Grabe! Sinabi sakin ni tita na pumunta daw dito kanina si Fafa Jordan at may binigay daw sayong human-sized stuffed toy." malakas na sabi nito!

Tumango naman ako at itinuro yung binigay ni Jordan. Tuwang-tuwa naman nyang niyakap ito.

"Grabe ang swerte mo! Napanood ko sa news na hiwalay na nga daw si Jordan at si Kath! Ikaw yung pinili nya couz. Ang galing ng bisa ng gayuma no! Makahingi nga din kay lola ganda tapos gagayumahin ko si Daniel Padilla."

"Pwede ba wag na wag mo ng mababanggit yung gayuma na yon dahil masyado ng nagiging kompliakado yong lovelife ko dahil don."

"Huh? Diba dapat masaya kase gusto ka na rin ni Jordan, at dahil yun sa gayuma na yon"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Fine! May hindi kasi ako nasabi sayo dahil alam kong magffreak out ka! Pero sige sasabihin ko na sayo"

"Ano ba yon? Parang seryosong-seryoso ka" natatawa pang sabi nito.

"O sige pero ipangako mo munang hindi ka magugulat"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon