Chapter 14

23.6K 551 45
                                    

A/N: YES!!! Nakagawa ulit ako ng isang chapter kahit wala ako sa mood! hahahaha! Ganyan ko kayo kamahal. Ayokong naddisappoint kayo sakin, harhar.

Mejo nakakalito yung episode na to kaya sabay-sabay tayong malito, hahaha!

Enjoy guys. CIAO!

=========================================================================

KLARISSE'S POV:

"O bat nandito ka? Akala ko ba hihintayin mo si Jordan?" takang tanong sakin ni Maybelle pagpasok ko sa bakeshop.

Hindi pa rin ako makaget-over sa pinag-usapan namin ni Justine kanina. Papano nga kung sya yung nakainom ng gayuma? Papano yung kasal nya? Papano kami ni Jordan? At ano tong pesteng nararamdaman ko pag nakatitig sya sakin?

"May kausap ba ko?" tanong pa ni Maybelle.

Noon lang ako napatingin sa kanya.

"H-ha? Wala pa si Jordan eh, mamaya na lang. And wala kase kong gagawin sa bahay kaya pumunta na lang ako dito"

"Eh diba ayaw na ayaw mong pumupunta dito? Kaya nga nagulat ako sayo nung pumunta ka last time, tapos eto ka na naman ngayon. May problema ka ba?"

Napatingin naman ako kay parrot. Sasabihin ko ba? Pero hindi pa kase ko sigurado eh. Papano kung si Jordan naman talaga yung uminom ng gayuma?

"Wala akong problema parrot. Wag kang OA dyan, masama bang pumunta dito sa bakeshop namin? Penge ngang maiinom dyan, nauuhaw ako."

"Hindi naman pero, nakakagulat lang kase. Nga pala, nakita ko kayong magkausap kanina ni JT, anong pinag-usapan nyo? Natanong mo ba yung sa juice?" tanong nito habang ikinukuha nya ko ng softdrinks sa ref.

"H-ha?"

"Sabi ko natanong mo ba kay JT yung sa juice?"

Umiling-iling naman ako. Hindi ko naman talaga tinanong diba?

"Nope. Hindi naman sya yung kailangan kong tanungin kase wala naman syang alam dun sa juice diba?"

"Sabagay, eh papano nga kaya kung si JT yung nakainom ng gayuma, anong gagawin mo?" bigla ko namang naibuga sa kanya yung iniinom ko dahil nagulat ako sa tanong nya.

"Klang!! Lagi mo na lang akong binubugahan!" inis na sabi nya sakin.

"Sorry nabigla ako. Bat naman kase ganun yung tanong mo eh" sabay abot ko ng tissue sa kanya.

"Malay naman kasi natin diba? Sabi mo katabi na sya ni Jordan nung bumalik ka."

"Ano ka ba naman parrot! Babae si Justine, babae din ako"

"So? Nako couz, uso na yang mga ganyan ngayon no!"

"Pwes, ayokong makiuso. At isa pa, si Jordan ang uminom non, si Jordan!!"

"Fine! Pero hindi mo kailangang sumigaw dahil nakakahiya pag biglang pumasok na customer"

Agad naman akong kumalma dahil sa sinabi nya. Ewan ko ba, naiinis kase ko sa sarili ko dahil sa kung anong nararamdaman ko para kay Justine eh. Hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis yung tibok ng puso ko dahil sa kanya.

"Dun muna ako sa table sa may garden parrot, kailangan ko lang makapag-isip isip"

Tumango naman ito.

Nanghihina naman akong napaupo. Parang nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko ginamit yung gayuma ni lola ganda. Karma ko na ba to dahil kahit alam kong masamang manggayuma, ginawa ko pa din? At isa pa yang si Justine, bakit nya ba ginugulo yung isip ko? Kailangan ko na ba syang iwasan? Pero pano? Kapatid sya ng future boyfriend ko at higit sa lahat, magkaibigan kaming dalawa.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon