Special Chapter

16.7K 412 40
                                    

A/N: Hey hey! Haha. Sorry bigla lang kasing pumasok sa isip ko 'to. Hmm, first anniversary nila 'to nung naggirlfriend pa lang sila at hindi pa mag-asawa kaya walang BS 'to, bleh! Haha. Wala pa kasi akong maisip dun sa iba kaya eto yung naisip ko. Sorry na, basahin nyo na lang muna 'to para may mapaglibangan kayo, hahaha!

O sya, basahin nyo na lang 'to. Pasensya na kung pumasok bigla 'tong kalokohan na 'to sa isip ko. Enjoy!

====================================================================

KLARISSE' POV

"O nasaan na yung passport mo?" tanong sakin ni parrot. "Yung sakin kase ready na." nakangiti pa nyang sabi.

"Passport para saan?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Nakalimutan mo na? Grabe ka naman Klang!" naiiling pang sabi nya. Aba eh sa hindi ko talaga alam kung para saan eh, problema ba nya?

"Ay oo nga pala. Ipapadala ka nga pala ni Tita sa North Korea. Nakahanap daw sya ng trabaho para sa'yo don eh. Astig kaya, 500K a month, basta buhay ka! Pero bakit kailangan ko pang magkaroon ng passport? Eh ipapadala naman nila dito kung katawan mo sakaling hindi ka palarin don diba?" natatawang sabi ko.

Agad naman nya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Langya naman Klang! Napapansin ko lang ha, ilang beses mo na akong gustong mamatay ha! Ganyang klase ka bang pinsan? Bakit ka ba ganyan? Wala na ba talagang halaga yung pinagsamahan natin? Balewala na ba sa'yo lahat ng mga ginawa ko para sa'yo? Ganyan na ba ako kawalang-halaga sa'yo kaya gusto mo na akong mamatay?" nagddramang sabi nya.

Jusko naman, akala naman nya mahahabag ako sa itsura nya ngayon. Parang hindi ko naman alam kung kelan sya nagddrama at kung kelan sya naiiyak talaga. Pero sige, hahayaan ko lang sya sa ginagawa nya.

"Ano Klang? Bakit ayaw mong sumagot? Mas sasaya ka ba kung tatalon na lang ako dito sa rooftop nyo?"

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi nya.

Napansin nya yata na wala akong pakelam kaya mas lumapit sya dun sa tatalunan nya.

"Klang hindi ako nagbibiro. Kung ikaliligaya mo na mawala ako sa mundong ibabaw, sige, ako na mismo yung kikitil sa sarili kong buhay. At sa harap mo. Para naman makonsensya ka sa tuwing maaalala mo 'tong nangyari na 'to!" sabi pa nya.

Walang ganang tumingin lang ako sa kanya at pagkatapos ay tiningnan ko lang yung daliri ko na parang walang pakelam sa gagawin nya. Ay lemme rephrase that, WALA TALAGA AKONG PAKELAM sa gagawin nya.

"Klang eto na!" sabi pa nya sakin na parang hinihintay talaga na pigilan ko sya.

Akmang tatalon na sya nang bigla ko syang tinawag. Bigla naman syang tumigil sa paghakbang at nakangiting lumingon sa akin.

"Parrot." Nakangiting sabi ko.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh. Hindi mo rin kaya na wala ako." Hmmm, may point naman sya don. Kasi nga, sino pa bang sasaktan ko at uutusan kung mawawala 'tong si Maybelle. Pero hindi naman yun yung dahilan kung bakit ko sya tinawag.

"Ha? Di ah! Papaalala ko lang sa'yo na may bubong dun sa tatalunan mo dyan kaya hindi ka mamamatay. Wag ka dyan, dun ka sa kabila, semento yung lalaglagan mo don. Pag una ulo, patay ka. Pag una katawan, gulay ka naman, o diba? Mas okay don?" seryoso pang sabi ko sa kanya.

Unti-unti naman syang umatras na parang naiiyak at biglang nagwalling sa harap ko. Yung mabagal na walling pa ha! Nakakaloka, nasstress ako. Kung wala nga lang planong mag-artista to, iisipin kong nababaliw na talaga sya.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon