Chapter 40

18.7K 497 83
                                    

A/N: Hey guys! Eto na po yung update ko, konting-konti na lang matatapos na din to! Woot woot! ang saya-saya! Makakapagfocus na ko sa SFY yeah!

O sya, basahin nyo na lang to guys! ENJOY  ^__^

Nga pala, naglagay din ako ng video, wala lang, gustung-gusto ko kasi yung kantang to, song ko kasi to para sa EX ko eh, hahaha!

hindi ko pala sya ni-re-check kaya kung may mga mali, pakisabi na lang ha! Nagugutom na ko eh, hahaha!

=========================================================================

KLARISSE'S POV:

"Ayan kase ang dami mong arte! Nagkandawala ka tuloy at muntik ka pang maging hapunan ng mga bayawak" tatawa-tawang sabi ng parrot.

"Kasalanan kasi nung higad na yun eh"

"Asus, nanisi ka pa! Ikaw lang yung may kasalanan non. Wala ka kasing tiwala sa BABE mo."

"May tiwala ako"

"Sus, kaya pala tinulungan lang saglit si Cha, nagwalk-out ka agad!"

"Tse!"

"Wag kang umarte-arte dyan Klang! Alam mo bang hindi nakapagshoot si JT ng scenes nya kagabi dahil busy sya kakahanap sayo. Dinidistract mo sya sa trabaho nya eh" naiiling na sabi ni parrot.

Seryosong napatingin naman ako kay parrot. Totoo ba yung sinabi nya? Hindi ba talaga nakapagshoot si Justine dahil hinanap nya ko buong gabi?

"Totoo ba yang sinasabi mo parrot?"

"Mukha ba kong hindi seryoso Klang?"

"Kahit kelan hindi ka nagmukhang seryoso parrot. Mukha ka kasing clown"

"At talagang nakuha mo pang magbiro ha!"

"Bat wala namang sinabi sakin si Justine kagabi?"

"Papano naman nya sasabihin, eh sobrang alala nga nya sayo. Binantayan ka pa nya hanggang makatulog ka"

"Dapat sinabi nya sakin"

"Dapat hindi ka na nag-inarte"

"Heh! Oo na, kasalanan ko na, wag mo nang isampal sa mukha ko"

"Klang hindi pa kita sinasampal, gusto mo ba?"

Napataas naman yung kilay ko sa narinig. Seriously? Literal na sampal ba yung iniisip nya? Nakakaloka, mukhang binawi na ni Lord yung pansamantalang utak na ibinigay sa kanya.

"Eh kung ikaw yung sinasampal ko dyang parrot ka?"

"Eto naman hindi na mabiro. Aga-aga ang init ng ulo!"

"Ang aga-aga kase nang-uurat ka!"

"Ang pikon mo! Lika na sa baba at hinihintay na tayo nila JT, kakain na daw" yun lang at lumabas na ito ng kwarto. Iiling-iling na sumunod naman ako.

Habang naglalakad kami ni parrot, napansin ko na parang pinagtitinginan kaming dalawa. Bakit? May problema ba sa itsura ko? Nagsuklay naman ako, naghilamos, nagtoothbrush, bakit iba makatingin tong mga taong to.

"Sya yata yon, yung sinasabing girlfriend ni JT" narinig kong sabi nung isang babae.

Napataas naman bigla yung kilay ko, eh ano ngayon kung ako yung girlfriend ni Justine? May problema ba sila don?

"Mas bagay sila ni Cha" bulong pa nung isa pero halatang pinaparinig naman sakin dahil medyo nilakas nya yung pagkakasabi non.

Kalma Klarisse. Wag mo silang pansinin, inggit lang yang mga yan.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon