Chapter 31

23K 629 52
                                    

A/N: As promised! Eto na po yung update ko ngayon ^__^Sana po magustuhan nyo, medyo masama po kasi yung pakiramdam ko ngayon eh, bwisit na ulan kasi yan tsk!

Yun na lang muna ha, nagugutom na kase ko, di pa ko naglulunch kase tinapos ko pa to. sukuleyt lang yung kinain ko. harhar.

Enjoy guys! CIAO!

Nga pala sa chapter na to, sana po wag kayong magalit kay parrot! hahahaha!

=========================================================================

KLARISSE'S POV:

"Bakit?! Bakit hindi mo sinabi sakin?! Nakakainis ka Justine! Matagal mo na pala kong kakilala bat hindi ka nagsasalita?!!"

Paulit-ulit ko yang sinasabi dun sa malaking poster ni Justine sa kwarto ko. Oo alam kong hindi sya sasagot pero naiinis ako sa kanya! Kung itatanong nyo kung anong nangyari dun sa dinner, hindi ko alam. Sumama yung pakiramdam ko sa nalaman ko kaya umuwi na lang ako. At yung Justine na yon, ni hindi man lang ako hinabol para magpaliwanag!

"O tapos titingin-tingin ka sakin dyan? Nakangiti ka pa?! Akala mo makukuha mo ko pangiti-ngiti mo?!" Aish! Para kong baliw dito na kinakausap tong poster na to.

Nakakagigil kase! Tapos isa pa yung Charity na yon! Pagkatapos nyang iwan at saktan si Justine, babalik-balik sya dito? Para ano? Para saktan ulit sya?

"At ikaw namang shushunga-shungang babae ka? Don't tell me binalikan mo pa rin sya pagkatapos ng nangyari sa inyo? Wag mong sabihing ipagpapalit mo kung anong meron kayo ni Carlo para lang don sa babaeng yon?!"

Oo alam kong para kong baliw dito na dinuduro-duro yung poster ni Justine. Walang basagan ng trip, kwarto ko naman to at wala namang nakakakita so walang pakelamanan.

"Bakit hindi ka man lang magpaliwanag sakin? Kung sinabi mo agad na ikaw yung babae sa park, baka nag-iba yung lahat" malungkot na sabi ko dito.

Siguro kung sinabi nya agad sakin lahat, siguro iba yung nangyayari ngayon. Siguro hindi ko maiisip na gayumahin yung kuya nya, hindi sya yung makakainom ng gayuma, at hindi ako parang tanga dito na pinipigil kung ano man yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Naku kang Justine ka! Wag na wag kang magpapakita sakin! Hindi ako natutuwa sayo!!!"

"Sorry" narinig kong sagot ng poster.

Huh? Nababaliw na ba talaga ko? Bakit nagsasalita yung poster?

"Hoy poster ka! Wag kang sumagot! Hindi kita tinatanong!"

Sukat don ay nakarinig ako ng mahinang tawa sa likod ko.

Agad akong lumingon dito. Bigla akong nanigas ng malingunan ang nakangiting si Justine. Oh my gosh!! Narinig ba nya lahat? Nakita ba nya kung pano ko magmukhang tanga habang kinakausap yung poster nya? At isa pang oh my gosh!!! Nakita nyang poster na lang nya yung nandito at wala na yung kay Jordan. Okay, sana lang biglang bumuka tong kinatatayuan ko at lamunin ako ng buo at wag nang ibalik dito sa mundong ibabaw.

"O baka naman bigla kang himatayin dyan" nakangiti pa ring sabi nito.

Sukat don ay nahimasmasan ako. Agad na namang dumaloy yung inis at galit sa dugo ko.Nakuha pa nyang tumawa at ngumiti dun sa ginawa nya ha!

"Bat naman ako hihimatayin dahil sayo?" inis na sabi ko dito.

"Ayan o" sabay nguso nya sa poster nya.

Okay Klarisse, mag-isip ka ng magandang dahilan. Wag mong ipahiya at ilubog sa kumunoy yung sarili mo!

"Ano yan, ahm, yung ano kase" damn! Kill me now! Kill me now please!

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon