Chapter 27

21.6K 499 27
                                    

A/N: Janan! Eto na po yung pinakahihintay nyong update sa love story nila Klarisse and Justine! Whoa! Medyo nahirapan ako sa pag-iisip nito dahil wala talagang pumapasok sa isip ko kanina.

O sya, sana maenjoy nyo tong chapter na to. TTry ko agad masundan to. ^__^

Excited na ko! Malapit na ulit yung POVs ni Klarisse! Woot woot!

Salamat din pala sa mga taong laging nagPPM sakin at sinasabing gustung-gusto nila tong story na to. Alam nyo na kung sino kayo. O, eto na yung utang ko sa inyo.

I love you guys! To the moon and bacccckkkk!

=============================================================================

JUSTINE'S POV:

"Cut!!" narinig ko na naman na sabi ni direk.

Tss! Nakakailang take na ba kami para sa scene na to? Kanina pa ko pinapagalitan ni direk, simpleng scene lang hindi ko pa magawa ng maayos. Ewan ko ba, hindi mawala sa isip ko yung gagawing panggagayuma ni Klarisse kay kuya. Hindi ko lang talaga alam kung anong pumasok sa kukote ng babaeng yon! Bakit kailangan pa nyang gawin yun? Tama ba si kuya na napakadesperada nya? Bakit ba kasi hindi na lang sya tumingin sa paligid nya para malaman nya na may nagmamahal sa kanya na hindi na kailangan ng kahit anong gayuma. Na unang kita pa lang sa kanya, minahal na sya ng sobra.

"Justine, kanina ko pa napapansin na wala dito sa taping yung isip mo. Kaya hindi mo magawa yung scene and madeliver ng maayos yung lines mo kasi nga hindi ka nagfofocus." Narinig ko pang sabi sakin ni direk.

"Sorry po direk. Hindi ko lang po talaga alam kung anong nangyayari sakin"

"Sige. Magpahinga ka na lang muna dyan. Ibang scenes na lang muna yung kukunan namin. Ayusin mo muna yung sarili mo"

Malungkot na tumango ako sa kanya.

"Kung sino man yung iniisip mo, mahal ka rin non" sabay kindat nya sakin.

Iiling-iling na lang ako habang nakatanaw sa papalayong si direk.

Ako mahal non? Hindi naman yata. Kase kung mahal nya ko, hindi na nya maiisip na gumawa ng kalokohan. Hay Klarisse! Pinapasakit mo yung ulo ko!

"Hey"

Inis na lumingon naman ako sa tumawag sakin. Ano na namang problema ng babaeng to?

"Wala pa kong ginagawa o sinasabi, galit ka na agad" nakangiting sabi nito.

"Wag kang magsmile, hindi ako natutuwa sayo" mataray kong sabi dito.

"Ow, ayaw mo ba kong magsmile kase natatakot kang ma-fall ulit sakin CB?"

"Hoy babae! Ilang beses ko bang sasabihin na hinding-hindi na ko mafo-fall sayo no!"

"Bakit, dahil dun sa bago mong toy?"

Agad ko naman syang sinamaan ng tingin. Anong karapatan nyang sabihin na 'toy' ko lang si Klarisse?

"Hindi ko laruan si Klarisse. Mahal ko sya"

"Right. Sinabi mo na nga pala sakin yan. Eh ang tanong, ikaw ba mahal ka nya? O baka naman pinagpipilitan mo lang yung sarili mo sa taong ayaw naman sayo." nakakalokong tanong nito.

"Charity pwede umalis ka muna. Wag mo muna akong lapitan. Wala ako sa mood makipag-usap sayo"

"Pero----"

"Please Charity, nakikiusap ako sayo. Please lang" mahinahong sabi ko sa kanya.

Inis na sumunod naman sya at iniwan ako. Napasandal naman ako sa upuan ko at pumikit.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon