Chapter 25

21.8K 477 13
                                    

A/N: Whoa! Sabi ko naman sa inyo babawi ako eh. Eto pa po yung isang chapter. Wala eh, biglang pumasok sa isip ko.

O sya sya ienjoy nyo na lang tong chapter na to. I love you guys! to the moon and back.

Maraming-maraming salamat sa pagbabasa kahit hindi ko alam kung san patungo ang istoryang ito, hahaha!

=====================================================================

JUSTINE'S POV:

"Bakit ka pa bumalik?"

"Bakit ba bumabalik ang isang tao?"

Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang sya ng derecho sa mata.

"Dahil nagbabakasakali akong may babalikan pa ko"

Umiling ako sa kanya.

"Wala na. Wala ka ng babalikan!"

"Alam kong mahal mo pa ko. Nakikita ko yun sa mga mata mo" sabi nya habang papalapit sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang unti-unti nyang inilalapit yung mukha nya sa akin.

"CUT! Good take Justine, Jasper!" nakangiting sabi samin ni direk.

Kinindatan naman ako ni Jasper. Sya yung kapartner ko sa teleserye.

"Galing mo talaga JT! Muntik na kong madala sa eksena eh. Muntik na kitang mahalikan" nakangiting sabi nito.

Ugh! Flirt!

"Kung itinuloy mo yun, mumumugin mo yung sarili mong dugo!" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Aww HARD!" tatawa-tawang sabi nito.

"Oo at gagawin ko talaga yun kung hindi ka titigil ng kakalandi sakin! Alam mong ikakasal na ko diba?"

"Sus, pwede pa kitang maagaw don"

"Asa ka Jasper!"

Yun lang at tinalikuran ko na sya. Nakakainis kase! Simula pa nung unang araw ng taping wala na syang ginawa kundi landiin ako. Hindi ba nya napapansin na hindi ko sya type?! At kahit kelan hinding-hindi ko ipagpapalit si Klarisse sa kanya no?!

Speaking of Klarisse, mukha namang tanggap na nya yung tungkol kay kuya and Kath kase araw-araw ko syang nakikitang lumalabas kasama si Maybelle. Buti na rin yon, at least hindi sua nagkulong sa kwarto nya at nagpakaermitanyo na naman.

Si kuya and si Kath naman, ayun ok pa rin naman sila. Sana lang talaga umayos si kuya at hindi magkamali ng desisyon. Kawawa naman si Kath pag nagkataon.

Si Carlo naman, ayun fiancé ko pa rin. May mga times na nalulungkot talaga sya pero lagi ko naman syang sinasamahan. Baka kasi kung anong maisip gawin non eh.

At ako, miss na miss ko na si Klarisse. Ilang araw na din kasi akong busy dito sa bagong teleserye. Medyo nasstress pa ko dahil bukod kay Jasper, kasama ko din dito si Charity. Isa pa yung babaeng yon, bat kailangan pa nyang bumalik? Kung kelan ok na ko. Saka pa sya magpapakita ulit. Ilang beses nya ko gustong kausapin nung nasa bahay sila pero buti na lang nandyan si kuya, hindi nya talaga ko iniwan. Hindi tuloy makalapit si Charity sakin. Well, wala na naman kaming dapat pag-usapan. Matagal na kong nakamove-on sa kanya. Buti na lang dumating si Klarisse sa buhay ko.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ng biglang may humawak sa braso ko. At kahit hindi ako lumingon, kilalang-kilala ko yung hawak nya.

"Ano pang kailangan mo?" malamig na tanong ko sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" narinig kong tanong nito.

"Wala na tayong dapat pag-usapan Charity"

"Meron, marami"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon