Chapter 19

21.7K 523 25
                                    

A/N: O eh di ako na nasa mood mag-update dito sa UMS. Masyado lang kase kong naeexcite dito kay JT eh, hahaha! And super happy kase ko dahil bibigyan ako ng libreng tikets sa RAK of AEGIS ng friend ko sa LADIVA, excited na kong mapanood sya ^__^

Enjoy guys! Iloveyou all! CIAO!

=============================================================================

JUSTINE'S POV:

"Kuya, nakita ko na sya!!" masayang sabi ko kay Kuya Jordan pagdating ko sa taping.

Pero bago pa ko nakalapit sa kanya, may narinig akong sigaw sa likod ko.

"JUSTINEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!" patay!

Nakangiti akong humarap dito.

"Hello Direk, ang ganda mo ngayon!" bati ko sa kanya.

"Hoy! Hindi mo na ko madadala dyan sa pagpapacute mo no! Anong oras na?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Ahm, 1pm?"

"At anong oras ang call time?"

"Wala pong nagsabi sakin kung anong oras ang call time" pagdadahilan ko dito.

"Justine?!!"

"9am po"

"Apat na oras na kaming naghihintay sayo dito. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Ano na namang nangyari sayo?"

"Sorry na po direk, promise di na po mauulit. Eto o, dinalhan kita ng paborito mo. Sorry, I love you direk" lambing ko dito.

Nakita ko naman na bigla itong napangiti.

Yes!!

"O sya sige na, mag-ayos ka na, tatawagin na lang kita pag magtatake na. Hmp, pasalamat ka paborito kita!" yun lang at tinalukuran na nya ko.

Nakangiti naman akong lumapit kay Kuya Jordan.

"Hanep! Kanina lang galit na galit sayo yun tapos napasmile mo agad?" nakangiting sabi nito sakin.

"Well Kuya, ganon talaga. Cute ako eh, tapos charming pa."

"Ang lakas!!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"O, ano pala yung sinasabi mong nakita mo na sya?" tanong nito.

Lalong lumapad naman yung ngiti ko nang maalala ko yung nangyari kanina.

"Grabe kuya! Pasakay na ko ng kotse kanina tapos narinig ko yung boses nya. Ang ganda-ganda pa rin nya!!" excited na sabi ko.

"Shhh, hoy Justine! Baka nakakalimutan mo na walang may alam dito na babae yung gusto mo. Baka gusto mong hinaan yung boses mo" saway nito sakin.

"Aww, sorry Kuya, excited lang kasi ako. Alam mo yun, bumilis na naman yung tibok ng puso ko nung nakita ko sya"

"O tapos? Nagpakilala ka? Nilapitan mo?"

Umiling naman ako.

"Nahiya ako eh. Saka hindi naman nya alam na ako yung nakausap nya non. Hello? Ibang iba yung itsura ko non!"

"Okaaaaaaaay! Ano na ngayong balak mo na nakita mo na sya?"

Ngumiti ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Kuya, diba super love mo ko?"

"Uh-oh! Parang may naaamoy ako"

"Kuya! Sagutin mo muna. Diba super love mo ko?"

"Oo na, tapos?"

"Sinundan ko kasi sya para malaman kung san sya nakatira"

"So ngayon stalker ka na?"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon