Chapter 35

24.1K 551 53
                                    

A/N : Jarannnn! Isa pang surprise, pangalawang update ng UMS! yey! Walang masyadong romantic scenes dito dahil halos si Klarisse at si parrot yung magkausap, harhar.

Enjoy guys! I love you all soooooo much!

=======================================================================

KLARISSE'S POV:

"So gusto mong sampalin kita?" takang tanong sakin ni Maybelle. Pero kitang-kita ko na nagniningning yung mga mata nya habang nakatingin sakin.

Subukan lang nyang lakasan ng sobra yung sampal nya sakin, humanda talaga sya!

"Ano na? Sasampalin na ba kita? Game na?" tila inip na inip na tanong nito.

"Oo pero subukan mong lakasan yan at masaktan ako ng bongga, hindi ka na talaga sisikatan ng araw!"

"Grabe ka naman Klang! Ikaw yung nagpapasampal tapos pag nasaktan ka, papatayin mo ko."

Eh sa gusto ko lang namang malaman kung totoo o panaginip lang yung nangyari kanina eh. Kung talaga bang sinagot ko na si Justine, at girlfriend na nya ko.

"Sige na sampal na! Ang dami mo pang sinasa----"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil sinampal na nga ako ng mahaderang parrot na to. At leche, ang sakit ha!

Ang lapad ng ngiti ni parrot matapos nya kong sampalin.

"Isa pa?" tanong nya.

"Pwede naman, tapos hinding-hindi ka na makikita pa ulit ng mga magulang mo nang buhay. Makikita ka na lang nila na lulutang-lutang sa ilog pasig or nakatambak sa payatas"

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro. So, naniniwala ka na sakin na totoong girlfriend ka na talaga ni JT?"

"Oo na, kanina ko pa naman alam!"

"Pero ayaw mo na talagang magpasampal?"

Agad ko naman syang sinamaan ng tingin. Ano, nawili? Masyadong nasiyahan na nasampal nya ko? Na nakaganti sya sakin?

"Sabi ko naman sayo, pwede naman parrot" sweet na sabi ko sa kanya.

Bigla naman syang lumayo sa akin.

"Ayoko, papatayin mo ko eh."

"Alam mo naman pala eh. So pwede, tumahimik ka!" sigaw ko sa kanya.

"Tsss, sungit!"

"Alam mo, kasalanan mong lahat eh kung bakit nangyari to!"

"O bakit ako na naman?"

"Sino bang nagsabi sakin na ipagbake ko ng cupcakes si Justine at puntahan sya sa bahay nya?" tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay.

"Ako?"

"At sino rin ba yung bigla na lang akong iniwang mag-isa kasama ni Justine?"

"Ahm, ako din?"

"So ibig sabihin, ikaw yung may kasalanan!" inis na sabi ko sa kanya.

Wala pa naman kasi talaga sa plano kong sagutin si Justine eh. Oo mahal ko sya pero gusto ko naman na nilagawan nya ko ng bonggang-bongga no! First time ko kayang maliligawan, tsk!

"Hoy hoy hoy Klang! Wag na wag mong ipasa sakin yung sisi no! Sino ba naman kasing may sabi sayo na sagutin mo na agad si Justine at magpatungan kayo sa sofa nila!"

"Ilang beses kong sasabihin sayo na aksidente nga yung nangyari! Nag-uusap kami tapos may nirecord sya na gusto kong i-delete kaya nakipag-agawan ako dun sa phone nya. Then, bigla syang na out of balance kaya napapatong ako sa kanya"

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon