Chapter 29

21.3K 528 40
                                    

A/N: Chanan! Eto na lang po muna yung inupdate ko. Wala pa po talaga kong maisip sa FFMMM eh. Pasensya na po sa lahat ng nagppm sakin para sa update ko sa story na yun, promise po ngayong week, iuupdate ko yun!

YES! POVs na ni Klarisse next chapter. Ang tagal ko yung hinintay. At least, makakarelate na ulit ako, hahaha! Hirap na hirap kase kong isulat tong POVs ni JT eh! hahahaha!

Btw guys, may bago pala kong story after nito or ng FFMMM sana magustuhan nyo po yun. Naging inspirasyon ko dun sa story na yun si RAD my love! hahahaha! Nood kayo sa sabado ng laban nila ha! Generika-Army for the win! Rachelle Anne Daquis for finals MVP ^___^

Sana din pala manalo yung Air Asia Flying spikers kahit 3rd lang. hahaha! Mahal ko yung team na yun lalo na si Michelle Gumabao. And yung super idol ko na si Paneng Mercado ^__^

O sya, sya! Basahin nyo na lang tong update na to. Ttry kong mag-update ulit later. 

Mahal ko kayo! CIAO!!

========================================================================

JUSTINE'S POV:

"Hey coo coo bear"

Hindi ko alam kung ano talaga yung gusto nitong babaeng to pero hindi ko sya pinansin. Nakatingin lang ako ngayon kay Klarisse dahil sinabi ko sa kanya na hindi ko sya kakausapin o lalapitan pag nandito na kami sa party.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina sa kotse. Alam ko kung ano yung nabasa ko sa mga mata nya. Gusto nya rin ako. Naramdaman ko rin yun sa mga yakap  nya kanina. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ayaw nyang aminin sa sarili nya yon? Bakit kailangan nyang pigilan yung nararamdaman nya para sakin? Dahil ba babae ako? At pinaniniwala nya yung sarili nya na straight sya at si kuya yung mahal nya?

"Sya ba?" narinig ko pang tanong nya.

Napalingon naman ako sa kanya. Nakita kong nakatingin din sya kay Klarisse. Nagkibit-balikat lang ako. Ayoko syang kausapin. Masisira lang yung gabi ko.

"Hmmm, in fairness maganda naman sya, kaso mas maganda pa rin ako"  narinig ko pang sabi nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Anong karapatan nya na ikumpara yung sarili nya kay Klarisse?

At dahil wala talaga ko sa mood kausapin sya, iniwan ko na lang sya ng walang pasabi.

Agad kong nilapitan si Carlo ay niyakap.

"Fiancee, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote mo at ginagawa mo to pero gusto ko lang sabihin sayo na may dalawang pares ng mga mata ngayon na masama yung tingin sakin, pag ako bumulagta bigla dito sa talim ng mga tingin nila, kasalanan mo yon ha!" tatawa-tawang bulong nito sakin. 

Takang-taka naman akong tumingin sa kanya. Huh? Bat dalawang pares? Well alam kong kay Charity yung isa don dahil sigurado kong kanina pa sya nakatingin sakin, pero kanino yung isa?

Parang nabasa naman nya agad yung nasa isip ko kaya nakangiting inginuso nya sakin yung isa pang masama yung tingin saming dalawa. Si Klarisse.  Sabi ko nga, sana hindi na lang ako lumingon dahil pagkatapos nya kong tingnan ng masama, inirapan ako at nakipag-usap ulit sya kay Maybelle.

"Nakakatakot naman yung mga babae mo fiancée. Feeling ko tuloy ako yung hindi legal dahil sa mga tingin nila" biro pa ni Carlo.

Natawa naman ako bigla sa sinabi nya. Oo nga, kung makaasta naman tong sila Klarisse at Charity, parang pinagtataksilan ko sila, eh fiancé ko kaya tong si Carlo.

"Uh-oh, parang naiinip na yung girlfriend mo, aalis na yata o" bulong sakin nito sakin.

Agad naman akong lumapit kay Klarisse. Tatayo na sana ito at aalis ng bigla akong magsalita.

Under my spellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon